Chapter 112

2.3K 155 80
                                    

Khari's POV

"Ang hirap mag background research kay Ley."

Nag lapag si Brix ng brown envelope sa harapan ko, narito ako sa opisina ko sa sa condo ko, andito rin ang M&M, mga prenteng nakaupo sa sofa at lapag habang kumakain.

"Mahirap talaga 'yon, nakatalikod ka eh hehe." biro ni Euan kaya nabatukan siya.

"Gago, seryoso ako, ang hirap!" pabagsak siya'ng naupo.

Ano namang mahirap doon?

"Paanong mahirap?"

"Lahat ng pinagtatanungan ko ilag!Yung iba sinasabihan pa ako'ng tigilan ko na ang ginagawa ko, 'yong iba naman ay gusto pa kaming banatan!Diba Kion?" nilingon niya si Kion, tumango naman ito kaya nag taka kami.

"Hmm, ayaw nila'ng mag salita, kahit nga lapagan namin sila ng pera ay ayaw talaga." sagot ni Kion.

"Nakakapagtaka naman?" tanong ni Shiro na naka upo sa mesa ko sa harapan, kumakain ng pizza.

"Wag niyo na kaseng ituloy yan, mamaya kayo lang ang mapahamak." nakanguso'ng sabi ni Ryzeil, nag titipa siya sa cellphone
niya kaya naman hindi siya nakatingin saamin.

"Andami ko ng problema sa bahay, pati pag katao ni Ley ay pino-problema ko na rin!" inis na sinabunutan ang sarili, si Cliff.

"E'di wag mo'ng problemahin tch." pang babara sakanya ni James.

"Kung nahihirapan kayo'ng dalawa ay tayong lahat ang gagawa, get up." sabi ko at tumayo.

Nakarating kami sa dati'ng School ni Ley, at saktong uwian nila kaya naman nag tanong tanong na sila, sumama lang ako,gusto ko lang panoorin kung gaano kahirap ang sinasabi nitong dalawa.

"Ah miss, may tanong lang ako." nilapitan ni Kerby ang isang babae."Kilala mo 'to?" pinakita niya ang litaratong hawak niya, picture 'yon ni Ley.

"Ah si Yhasmine?"

"Oo miss."

"Bakit anong kailangan niyo sakanya?"

"Ah ano kase sabi kase ng boss namin, kilalanin raw namin siya hehe."

"Ay gago." bigla'ng nag lakad paalis 'yong tinatanong ni Kerby.

"Hi, kilala niyo ba siya?" tanong rin ni Brix sa iba, grupo ng kababaihan.

"Oh si Yhasmine?Yes kilala namin siya, why?"

"Sabi kase ng boss namin, kilalanin namin siya eh."

"What?!Wag kami ang tanungin niyo diyan!" bigla silang nag sitakbukan.

What the fuck was that?

Lahat kami ay napahinga ng malalim, bakit ba ayaw nila kaming sagutin?!

"Pre, kilala mo ba 'to?" hinarang ni Mabry 'yong lalaki.

"Si Sanchez?Oo kaklase ko 'yan nung second year eh, bakit nga pala?"

"Kailangan lang."

"Kaaway niyo ba siya?Anong grupo kayo?"

"Ha?"

"Wag niyo ako'ng idamay sa gulo niyo!Lintek." nag laka 'yon paalis kaya napasabunot si Brix sa buhok niya.

"Gago 'yon ah?" inis siya'ng tumabi saamin.

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Where stories live. Discover now