Chapter 132

2.7K 145 107
                                    

3rd Person's POV



Kaniya kaniyang takbo ang M&M papunta sa kwarto ni Khari Miles, sa takot at kaba ay hindi na nila nagawang gumamit pa ng elevator, halos hindi nga nila matapakan ng maayos ang hagdan sa pag mamadali. Nang marating nila ang kwarto at makapasok ay kaniya kaniya silang ibinagsak ang katawan sa sahig, habol habol ang hininga, nag tataka silang tinignan ng lima.




"Anong nangyari sa inyo? Mukha kayong mga asong hinihingal." natatawang sabi ni Frae, sinipa pa ang paa ni Ryzeil na syang pinaka malapit sa kinauupuan niya.




"Si L-ley..." iyon pa lang ang sinasabi ni James ay agad na naging seryoso ang lima, lalo na si Khari na ngayon ay naka upo na. Hinagis ni James sa kama ni Khari ang cellphone niya dahil hindi niya pa kayang mag salita.




Nag tataka iyong kinuha ni Khari at pag bukas niya niya noon ay nag play ang video na kinuha ni James kanina, lumapit ang apat para panoorin rin iyon. Iisa lang ang reaksyon nila, gulat sa una at takot sa huli. Lalo na noong mapanood nila kung paanong barilin ni Yhasmine ang vase. Matapos nilang mapanood iyon ay hindi nila alam ang gagawin.




"Puntahan natin, gago tatay ni Khari ang pinuntaha niya!" natatarantang sabi ni Frae. Bumukas ang pinto at pumasok si Hazira, bitbit ang madaming paper bag na puro pagkain ang laman. Nag paalam ito kanina na bibili siya dahil nagugutom na ang iba sakanila.




"Baka tayo na ang barilin no'n at hindi na ang vase!" sigaw ni Haiden, halos hindi mainom ang tubig sa nginig. Mabilis na tumayo si Kashiro at handa ng buksan ang pinto nang mag salita si Yhazeir Jase na kinatigil nila.




"H'wag mo ng puntahan si Yhasmine, alam no'n ang ginagawa niya."




Kahit gustong lingunin ni Khari Miles si Yhazeir Jase ng mabilis, ay hindi niya magawa dahil naka brace ang leeg niya.




"W-what?! Hahayaan mo si Yhasmine ro'n?! Alam mo naman siguro kung gaano kadelikado ang tatay ni Khari?!" inis na hinarap ni Kashiro ang kaibigan.




"Bakit? Pag ba pumunta ka ngayon roon ay maipapangako mong makakabalik ka rito ng walang tama? Mag isip ka Avishitto." seryosong sinalubong ni Yhazeir Jase ang mga mata ni Kashiro.




"Oo nga naman Kashiro, alam naman siguro ni Yhasmine ang ginagawa niya, h'wag ka ng pumunta." hinawak ni Hazira ang braso ng dating nobyo, pinakakalma dahil alam niya kapag ganoong na mag salita si Kashiro, galit na ito dahil nag aalala. Sinantabi niya na lamang ang sakit na nararamdaman sa puso dahil alam niya kung sino si Yhasmine para sa dating nobyo.

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Where stories live. Discover now