Chapter 134

2K 145 52
                                    

Yhasmine's POV




Tulala lang akong naka upo rito sa room, iniisip ang mga pinag usapan namin ni Von. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala, tangina iyon pala 'yon. Hindi ko tuloy alam kung paano kong kakausapin si Jackson, masama ang loob ko sakaniya noon at hanggang ngayon. Lalo na ngayon sa mga nalaman ko, gusto ko na lang mag laho sa mundo.




"Si Yhasmine ang top 1 sa M&M this quarter. Congrats Sanchez."




Napabalik ako sa ulirat nang mag palkpakan sila, mga nakatingin sa akin. Tsk, anong gagawin ko sa top na 'yan? Naging top 1 pa ako sa lagay na 'yan? Puro kalokohan nga ang mga sagot ko, eh. Ngumiwi lang ako at tumango. Pero agad ring mapangiti nang marealized ang sinabi ni Ma'am.




Top 1 ako?! Ah, gagi top 1 ako! Dapat malaman 'to nila Mama, hehe!




Ito pa lang 'ata ang nangyaring maganda sa buhay ko sa ngayon, ah? Matawagn nga si Von mamaya at ibabalita ko 'to, haha!




"Pinatatawag ka rin ni Dean, ngayon na." dagdag niya at lumabas na para umalis. Nagtaka naman ako, bakit naman ako pinapatawag? Wala naman akong binanatan, ah?! Baka si Dean ang mabanatan ko nito, eh.




One class pa before lunch break pa naman, kaya tumayo na ako at kinuha ang bag, sinabit ko iyon sa isa kong balikat at saglit nilingon sila Khari na nakatingin na pala sa akin. Naka ngiwi akong nag lalakad, tinatahak ang Dean's Office. Bakit naman kaya ako pinapatawag? Pucha mukhang ma e-expelled na naman ako, ah?! H'wag naman sana! Kung kailan malapit na akong grumaduate tsaka naman sila babanat ng expulsion!




Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok, naka upo ang Dean roon sa swivel chair niya at katabi ang nakatayong seckretarya. Naupo ako sa sofa roon sa harapan ng mesa niya. Naupo ako n prente roon at naka patong pa ang isang siko sa mesa niya.




"Is that how a proper way to seat, Ms. Sanchez?" sinamaan ako ng tingin ng Dean at sinulyapan ang upo ko.




"This is how I seat properly Dean." ngumiwi ako, wala sanang balak ayusin ang upo dahil iyon ang nakasanayan ko kaso ay sinamaan niya ulit ako ng tingin kaya kahit ayoko ay umayos na ako.




"How sarcastic you are, Ms. Sanchez." naka ngiwi niyang sabi sa akin.

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Where stories live. Discover now