Chapter 140

818 41 8
                                    

Yhasmine's POV

"Anong ganap dito 'Accla?"

Siniko ko si Jase nang maka baba ako. Paano ay naroon silang lahat sa sala at kaniya kaniyang ayos ng maleta.

"Anong 'Accla'?" nag salubong ang kilay ng kapatid ko habang nag tutupi ng underwear niyang ben10, joke.

"Sagutin mo na lang ang tanong ko." inirapan ko siya at nagpa mulsa sa suot na makapal na black jacket.

"Outing."

"Ingat." tumalikod na ako at pa akyat na sana ng hagdan nang hilain ako ni Jase at pinaupo sa sofa.

"Anong ingat? Kasama ka. Ayon ang mga gamit mo." tinuro niya sa tabi ni Mama ang maletang itim. "Ako na ang namili ng mga damit mo, si Mama naman ang nag ayos sa maleta, ayos ba?" hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at pinisil. Hahalikan niya pa sana ako sa pisngi, ngunit ay kinuha ko ang tinutupi niyang boxer at hinarang iyon sa labi niya. Ayon, todo punas ng labi at masama ang tingin sa akin.

"Sus, parang hindi pa nakaka amoy ng underwear ah?" pang aasar ko sakaniya. Masama niya akong nilingon at nanlaki ang mga mata ko nang sipain niya ang braso ko.

"ARAY! INA MO!" inis kong sigaw habang hawak ang braso ko kung saan niya ako sinipa. "Naneto, eh kung bayagan kita ngayon diyaan?" salubong na kilay ko siyang binantaan.

"Mag bunganga niyo." hinampas kami sa mukha ng damit ni Kuya Rach nang dumaan siya sa harapan namin.

"Naka kabit." sabay naming bulong ni Jase kaya nag katinginan kami. Parehas kaming nakakuha nang masamang tingin galing kay Kuya Rach.

"Makakasama ba si Yeana, anak Rach?" tanong ni Tita nang tumabi ito sakaniya.

"No. She can't, she's busy." hindi ko alam kung naiinis ba siya o makati lang ang ulo niya, kumamot eh, may kuto siguro.

Dugyot naman.

"Dito ako. Roon ka, hindi kita gustong katabi." nau urat kong sita kay Jase nang tumabi siya sa akin. Doon kasi ako umupo sa pinaka likod ng van, para sana mag isa, kaso ang lintek kong kuya ay tumabi, sisipain ko 'to. Hihiga pa sana siya dahil nag latag ako ng kutson, para kumportable ako. "Tigas ng apog ah? Hihiga pa talaga? Lumayas ka rito, sisipain kita sa bayag." banta ko sakaniya.

"Fine, 'apaka damot." inirapan niya ako at bumangon tsaka lumipat sa harapa at naupo, nilingon pa at at masamang tinitigan. I raised my middle finger in front of his face, gago 'to.

Maya maya lang ay pina andar na ni Tita ang van. Wala sana akong balak sumama, at gusto na lang mag pa iwan sa bahay, dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Pero pinilit nila ako, minsan lang daw ito. Pakialam ko kung minsan lang 'to, eh sa ayokong sumama eh. Kaiinis, kung hindi lang ang kinrot sa tagiliran ni Kuya Rach, hindi talaga ako sasama! Ang sakit pa kaya ng braso ko dahil sa sipa ni Jase, mga salbahe!

Nakahiga lang ako sa likuran habang nag c-cellphone, tamang scroll lang sa social media. Naisipan kong mag picture. Seryoso lang iyon, nakahiga siyempre.

'Tanginang braso 'to, ang sakit.'

Iyon ang caption ko at pinost na. May mga nag like agad, blinocked ko ang M&M, makukulit eh. Gawing group chat ba naman ang comment section? Mga baliw. Napatingin ako nang may mag notif, nag comment si Kiel, Rence, at Von sa post ko.

Ezekielyy: Saan ka punta Master?

Lau_Rinse: Mas masakit pag walang braso.

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang