Chapter 141

722 26 17
                                    

Khari's Pov

"Uuwi ka na?"

Napalingon ako nang may pumasok sa aking kwarto, nag salubong ang mga kilay ko nang makilala ko ang lalaki sa harapan ko.

"What the fuck you're doing here, Shiro?" inis kong binato sakaniya ang damit na inaayos ko sa maleta.

"Mak tama na Mak! Mak!" nang aasar niyang sigaw, akala mo ay pinapaulanan ng suntok, natatawa tawa habang ginagaya ang viral na meme sa social media.

"Putangina mo," matigas kong sabi sakaniya at pinagbabato sakaniya ang mga hindi ko pa natutuping damit.

"Babe, tama na, natutulog ang mga bata. Baka makita pa tayong nag aaway, " patuloy niyang pang aasar habang tumatawa, gago ba 'to. "Ay ay ay joke lang Pre! Joke lang!" seryoso siyang umiilag, paano ay kahit magulo ang mga inayos ko sa maleta ay wala akong pakialam, binuhat ko 'yon at akmang ibabato sakaniya, anong 'Babe'?!

"Pumunta ka ba rito sa Spain para mang kupal, Shiro?" inis kong nilapag ang maleta at basta basta na lang nilagay ang lahat ng gamit na ilalagay ko roon, magugulo rin naman 'yon, bakit sa una pa lang hindi ko na naisip 'yon. Matapos kong isara 'yon ay nilapag ko sa sahig.

"Nagpapa-sundo ka ulol! Nawalan ka ba ng paa rito and you need someone to sundo you here at Spain?" minura pa ako ng hapon.

"Tangina mo, hindi naman ikaw ang pinapapunta ko rito 'di ba, papansin ka. Si Frae ang tinext ko, hindi ikaw bwiset kang hapon ka" sunod sunod kong sabi sakaniya. Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili sa pang-gigigil. "How's Ley?" tanong ko sakaniya, umismir naman siya at tumambay sa bintana.

"'Yon masaya kasama ang ex niya hahaha" peke niyang tawa, umirap naman ako.

"Nagseselos ka? Tingin nga ng karapatan" umasta pa akong sinisilip silip siya.

"Parehas lang tayo" he raised his middle finger.

"Fuck you," sumimangot ako. "Tsk, aayusin ko lahat once matapos 'to." dagdag ko at nilingon ang picture frame ni Ley sa lamesa.

"Tsk, uuwi ka lang naman dahil graduation na." ismir niya sa akin.

"Bobo, uuwi ako dahil miss ko na si ano...." mahina kong sabi.

"Hindi ka naman miss noon. Minumura nga kami kapag nababangit ang panagalan mo." natatawa niyang sabi, tinuro pa ako habang tumatawa.

"Sino kayang ni-reject sa atin? Ay si out of reach pala 'to, eh." lumapit ako sakaniya at umaktong makikipag hand shake.

"Putangina mo, sagad," tinabig niya ang kamay ko at balak pang ihampas sa akin ang vase sa tabi niya.

"Khari!!!"

"Shet boss na-miss kita gago"

"Tangina mo welcome back!"

"Pre may iba na si Ley, anong pasalubong diyan?"

"Puro butas 'yang katawan mo Pre, ah  hahaha ginagawa mo"

"Pag binutasan ka niyan sa tagiliran"

"Eh, kung sabihin ko sa'yong limang suntok ang pasalubong mo?" Sa lahat ng bati nila sa akin, kay Ryzeil lang ako naiinis, anong may bago na si Ley?! At may lakas pa siya ng loob mag tanong kung ano ang pasalubong?!

"Mak tama na Mak! Mak!" ito na naman si Shiro, hinawakan pa ako at pinipigilan na akala mo ay manununtok ako, ni hindi nga ako gumalaw sa pagkakatayo ko. Tinulak ko siya palayo at dinuraan ang paahan niya.

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Where stories live. Discover now