Chapter 125

2.4K 133 173
                                    

Yhasmine's POV



"Uwi na tayo? Ipagluluto kita."



Tanong ni Von sa'kin. Tumango naman ako at umalis na sa pag kaka upo sa hita niya. Sabay kaming nalakad sa parking. Dahil dala ko ang motor ko, sabay naming tinahak ang condo nila. Nang marating namin 'yon ay naupo agad ako sa sofa, pero dahil tinatamad ako ay hiniga ko na lang ang sarili ko.


"Anong gusto mo Love?" tanong ni Von, at hinubad ang leather jacket niya, sinabit niya yon sa sofa at dumiretso sa kusina, nag suot siya ng apron at tinignan ako.


"Adobo," nakanguso kong sabi at nag pangalumbabang nakatingin sakaniya. "Masarap ang adobo ngayon, tamisan mo konti, ah?"


"Hmm, anything?"


"Ikaw."


"Ha?"


"Ha?" nag taas ako ng kilay, nag mamaang maangan. Natawa siya sa'kin bago humarap sa ref at nag hanap ng kung ano ano ro'n. "Maliligo na muna ako, pahiram damit, ah?"


"Hmm," saglit niya akong nilingon at tumango, kinindatan ko siya bago pumasok sa kwarto niya at nag hanap sa closet kung anong susuotin ko, napili ko ang ternong white silk pajama. Binuksan ko rin ang drawe na para sa'kin, puro underwears lang 'yon, tatlong piraso. Ang sabi ni Von ay binili niya sa'kin dahil raw madalas akong pumunta rito ng walang dalang damit.


Matapos kong maligo ay hinanda ko rin ang susuotin ni Von pagkaligo niya, katulad lang rin ng akin pero black ang kaniya. Pumunta ako sa kusina at naupo sa mismong counter top, pinanonood siyang abala ro'n sa niluluto. Kanina ay tinignan ko ang kwarto ng tatlo, ang hihimbing ng tulog. Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan si Von, nakatalikod at side view.


Pinost ko 'yon sa instagram ko at tinag siya. Saglit pa akong natawa sa caption bago bitawan 'yon at muling pinag masdan si Von.


'Grabe, nakakalito. Hindi ko alam kung sino sakanila ang kakainin ko.'

#Von #CookingAdobo #HusbandMaterial



Muli akong natawa dahil sumagi ulit sa isip ko 'yong caption. Sunod sunod na nag vibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko, puro notifs galing sa post ko. Bakit gising pa ang mga 'to?

Yeana__L: Ang kalat mo Yhasmine! Btw, sino mas masarap?


Belle__Ys: Nangangamoy...Ulam, ano niluluto ng aking brother?


Natatawa akong ni-replyan ang comments nila.


Ley__S: @Yeana, 'di ko pa alam, eh. Text ko sa'yo pag natikman ko na.


Ley__S: @Belle Hi Bhiellat, adobo niluluto ng kapatid mo, bakit palag? Kilalanin mo binabangga mo.

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon