Chapter 127

2.2K 155 67
                                    

Yhasmine's POV



Pag kababa ko ng taxi sa tapat ng bahay, napatitig ako sa lalaking nakaupo sa motor, mag ka cross arm, naka yuko at tulog? Anong oras na bakit narito siya?



Lumapit ako at kinalabit siya ng ilang beses para gisingin, mapupungay ang mata, tumingin siya sa' kin at nang makitang ako ang nasa harapan ay ngumiti agad siya at yinakap ako.



"Merry Christmas, Yhas." bati niya sa'kin at humiwalay sa pag kakayakap.



"Hmm, Merry Christmas. Kanina ka pa rito?"



"Hinihintay kita, eh."



"Bakit hindi mo ako tinawagan?"



"Nakapatay ang cellphone mo."



"Kumain ka na ba?" tanong ko, agad siyang umiling at ngumuso, hawak hawak ang tiyan. "Kain tayo sa loob." yaya ko sakaniya at tumalikod na. Pero natigil ako sa pag lalakad nang yakapin niya ako sa likuran, siniksik niya pa ang ulo niya sa leeg ko.



"Ang ganda mo, palagi."



I smiled at what he said and turned to him, those were his beautiful eyes that met my glance, was he tired? It looks like he's waited here for me in a long time.



"Nasan sila?" tanong ko sa kasamabahay nang makapasok kami sa sala, nilapag ko sa sofa ang mga bitbit ko.



"Lumabas po sila Ma'am at Sir, kasama mo sila Ma'am Yassie at Sir Jake, pati rin po ang Lola ninyo." tumango ako at yinayaya si Von sa dining area. ipinag handa ko siya ng makakain, mabuti na lang at may mga niluto rito dahil hindi ako marunong mag luto, kahit itlog nasasama ko ang shells.



"Saan ka nga pala galing? You looked good on that dress, bagay sayo." tanong maya maya ni Von habang sabay kaming kumakain. "Nag simba ka?" naka ngiti niya pang dagdag. Hindi na ako nagulat nang tanungin niya iyon, alam niya na agad ang pinupuntahan ko sa tuwing naka dress ako. Ngumiti ako sakaniya at tumango, pinag salin ko rin siya ng juice sa baso bago inumin ang 'akin. "Saan?"



"Sa simbahan."



"Saang simbahan, Yhas."


"Roon sa lagi nating pinag dadasalan." saglit siyang natigil sa pag subo ng pagkain bago tumingin sa 'kin at ngumiti, nag patuloy siya sa pag kain, habang ako ay tapos na at pinanonood na lang siya. "Kamusta ang pasko mo? Masaya ba?"



"Kumain lang ako at natulog, parang normal na araw lang."

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt