Chapter 115

2.2K 143 39
                                    

Khari's POV

"Tatapusin na natin ang plano.Sasabihin kong ginamit lang natin siya para umalis na siya rito sa section natin."

Nag pangap akong naka ngiti habang sinasabi sakanila iyon.Nag katinginan pa kami nila Kerwin at Jhez dahil silang dalawa pa lang ang nakaka alam kung anong nangyayare sa pagitan ko at sa Chairman.Kahit si Shiro ay hindi ko pa sinasabihan, tsaka na.Tinanguan ko si Kerwin, alam niya na ang gagawin niya.

"Ano?!Bakit mo sasabihin?!" napapatyong sigaw ni Cliff.

"Diba tapos na kayo roon?" nakita ko ang kaba kay Ryzeil ay paulit ulit na kinakagat ang kuko sa hintuturo, ganiyan siya pag nag pipigil ng luha.

"Bakit?Tatapusin mo dahil liligawan mo siya?Eh kung sabihin ko sayong hinalikan ko si Ley?" hindi ko inaasahan ang sinabi 'yon ni Shiro!

Gustog gusto ko siyang lingunin at paulanan ng sapak, pero pinigilan ko ang sarili ko at pumikit nang pag katagal tagal, pinakakalma ang sarili.
Anong hinalikan niya si Ley?!Kailan?!Bakit hindi ko alam ang tungkol roon?!

Pero natagpuan ko na lang ang sarili kong sinusuntok si Shiro sa sahig.Nag hahalo na naman ang mga nararamdaman ko at lalo iyong nadagdagan sa sinabi niya!Anong karapatan niyang halikang si Ley?!

Tinigilan ko lang siya nung kumalma ako.Gusto ko pa sanag pasabugin ng husto ang nguso niya pero nakita ko na si Ley na tumatakbo papalapit sa room.Huminga ako nanng malalim, hinahanda ang sarili sa posibleng mangyari na kahit ako ay hindi kayang makitang umiiyak siya.Tangina.

"Wala na kayong magagawa." iyon ang sabi ko at sinamaan ng tingin si Shiro.

"Wag mo nang sabihin Khari,sige na naman oh.Nag mama kaawa ako." nag pipigil ng iyak si Ryzeil at humakbang pa para makalapit sa'akin.

"Sino ka para pigilan ako? Gagawin ko ang gusto ko!" hindi ko man gustuhing sigawan siya ay kailangan ko dahil alam kong nakikinig si Ley roon sa pinto.

"W-wag na kase Khari!Akala ko ba napag usapan natin to?" natatarantang sigaw ni Mabry sa'akin.

"Ano ba'ng nangyayare sayo?Akala ko ba kakalimutan na natin 'yon at mag so-sorry tayo sakanya?" pag sali rin ni Kerwin, nag papangap.

"Sinabi ko sainyo, tatapusin natin ang plano!" sigaw ko ulit.Hindi ko alam kung tama ba ang mga pinag sasabi ko gayong ako ang unang sumuko sa plano na aking binuo.Naguguluhan ako.

"Sa magandang paraan!Tatapusin natin sa magandang paraan!" sigaw ni Shiro sa'akin.Kahit gustong gusto ko siyang hampasin ng lahat namadadampot ko ay hindi pa rin pwede.

"A-anong sasabihin niyo sa'akin?" kinakabahang tanong ni Ley noong pumasok siya sa room.

Eto na.Ayoko mang gawin ay wala akong pag pipilian.Mahal na mahal kiya Ley, kaya gagawin ko 'to.

"I'm glad that you're here." ang hirap mgumisi, ang bigat sa pakiramdam.Sinubukan pa nila akong pigilan.Pero nung sasabihin ko na kay Ley ay bigla naman akong sinapak ni Shiro!Gago 'to ah?!

Sa inis ko ay pinag susuntok ko rin siya, ayon nalamog.Kung hindi pa ako hinataka patayo ni Ley ay baka mapatay ko pa si Shiro.Mabilis niyang tinulungan ang gago at pinunasan pa ang mukha.Muli akong huminga nang malalim.

"Alam mo bang ginamit lang kita?" iyon na ang pinaka mahirap bangitin para sa'akin, tinago ko pa ang kamao ko sa likod ko.

Nang tumayo at humarap siya sa'akin ay parang bumagsak ang mundo ko.Anong nangyari sakaniya at bakit ganiyan?Ang dumi ng white shirt nita at pareho pang nakataas hanggang tuhod ang pants niya.Nakit ko ring nag dudugo ang mga tuhod niya, iyong ilong niya at may dugo dugo pa, na nodebleed ba siya?Anong nangyari sakaniya?!

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن