Chapter 118

2.1K 136 67
                                    

Von's POV

"Ang aga mo,ah?Dito ka natulog?"

Tanong ni Ysabelle habang bumababa sa hagdan, nag tatali ng buhok.Bagong gising 'ata dahil naka silk dress pa siya.

"Matutulog pa lang. Ikaw?Bakit narito ka?" balik tanong ko sakaniya.

"May tampuhan lang with my husband hehe.Eh ikaw?Bakit ka narito?"

"Bakit bawal?"

"Jeez, parehas na parehas talaga kayo ni Yhasmine sumagot."

Binagsak ko ang sarili ko sa sofa at naupo, hinihilot ang sentido.Nang mabanggit niya si Yhas ay kinuha ko ang cellphone ko at kinamusta siya, hindi pa niya nabasa kaya hinagis ko ang cellphone ko roon sa tabi ko at pumikit.Kamusta kaya siya? Sana ay tawagan niya ako.

"Problemado ka yata, my brother?" naupo sa katapat kong sofa si Ysabelle habang umiinom ng tea. "Uminom ka noh?Amoy alak ka."

"May problema na naman siya." huminga ako nang malalim. "Nalaman niyang anak siya sa labas."

"What?!" napatayo siya sa gulat, nanlalaki pa ang matang nakatingin sa'kin. "A-anak si Yhasmine sa labas?What the fuck?Paano naman nangyari 'yon?"

"Tita Sie had an affair with another man which Yhas's biological father."

"Sino?"

"Malay ko, wala naman sinabi sa'kin si Yhas.Hindi niya pa yata kilala."

"My poor sister...I can't believe this!Is she okay?"

"S'yempre hindi.Ikaw, pag nalaman mo bang anak ka sa labas ay magiging okay ka?" inirapan ko siya dahil sunod sunod na naman ang sigaw niya.

"You should go and be with her at this moment, Yvonne.Anong inuupo upo mo riyan?"

"Kahahatid ko lang sakaniya kanina sakanila."

"Ay gano'n?....Hindi talaga nawawalan ng problema ang babaitang 'yon." naupo na ulit siya. "I hope she's fine." bumuntong hininga siya, kita ko naman sa mata niya ang pag aalala.

"Kahit nga ako ay hindi makapaniwala.Nabigla na lang ako nang mag aya siya kina Jag, ayon sinabi niya sa'kin na anak siya sa labas." naihilot ko na naman ang sentido ko.

Kagagaling niya lang at kalalabas ng hospital, heto at may panibagong problema na naman siyang kahaharapin.Ni hindi pa nga siya nakakabangon sa mga iba ay lulubog na naman siya sa problema.

"Alam niya na pala, akala ko ay mag tatagal pa."

Sabay kaming napalingon ni Ysabelle sa nag salita.Nag lalakad siya papalapit sa p'westo namin.

"W-what do you mean, Mom?" nag tatakang tumayo si Ysabelle para mag kapantay sila ng tayo.

"Hindi ba't alam na ni Yhasmine na anak siya sa labas? Ang akala ko ay wala silang balak sabihin.She deserve to know." aniya at nilingon ako.

Nag salubong ang kilay ko tsaka tumayo, hindi makapaniwala ang tingin sakaniya.

"Mom, i d-don't get it." pekeng tawa ni Ysabelle at hinuhuli ang tingin ng Presidente.

"Yhasmine deserves to know---"

"A-alam mo?" pigil ko sakaniya. "Alam mong hindi siya anak ni Jake?...You knew?" hindi ko makapaniwalang tanong.

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora