Chapter 120

2.1K 117 98
                                    

3rd Person's POV

"Sigurado ka bang hindi ka lasing? Namumula ang mukha mo, eh."

Tanong ni Yeana kay Yhasmine nang mag paalam itong aalis na dahil lumalalim na ang gabi.Iniisip na baka ay pumunta roon sa condo unit ni Yeana ang iba pa nilang kaibigan at makita siya.

"Paanong hindi ma-mumula, eh sampal ka nang sampal sa tuwing tatawa ka? Tsk, ikaw nga rito ang lasing." inis na sabi ni Yhasmine at inayos ang higa ng kaibigan roon sa sofa.Ang akala niya ay kaya niyang buhatin ito dahil payat, ngunit nang subukan niya ay nasubsob lang siya. Hindi niya yata alam ang pag kaka iba ng payat sa sexy.

Bumalik na ito sa tinutuluyang hotel matapos niyang masiguradong tulog na ang kaibigan. Habang nag lalakad sa lobby ng hotel ay may tumawag sa kaniyang pangalan kaya natigilan siya sa pag lalakad, nanigas sa kinatatayuan. Kinukwestiyon ang sarili kung sino 'yon at bakit alam ang pangalan niya? Higit roon ay bakit narito iyon kung nasaan siya ngayon?

"Yhasmine,"

Huminga ito nang malalim bago humarap roon at handa na sanag banatan nang makita niya kung sino ito.Iyon at nakita niya ang Presidente ng mga Freclaro na siya ring ina ng kaniyang dating nobyo. Agad tuloy itong humingi ng patawad sa sarili dahil kung bakit iyon agad ang pumasok sa kaniyang isipan at gusto niyang banatan.

"Ah, Preident...Ano ho ang ginagawa niyo rito?" saglit itong yumuko upang mag bigay galang bago umayos nang tayo. Hindi niya sinagot ng Presidente subalit ay sinipat ang kaniyang kasuotan.Suot nito ang fitted ngunit kupas na pantalon, may kalakihang white shirt at oversized na polo, checkerd at pula na may puti, bukas rin ang mga botones no'n kaya kita ang shirt na suot niya. "A-ah, sorry sa damit ko, ito kase ang meron ako." nag kamot ito ng batok, nahihiya.

"No, it's okay. Iyan naman ang kadalasan mong suot." saglit na ngumiti ang Presidente na siyang pinag taka ni Yhasmine. Anong nginingiti ngiti nito?

"Kumain ka na?" nabigla ito nang mag tanong ng ganoon ang nasa harapan niya. Nabalik siya sa ulirat at tinignan ang paligid, kung may iba pa itong kasama lalo na ang sariling pamilya. "Wala akong kasama, wag kang mag alala." nakahinga ito ng maluwag nang sabihin iyon. "Amoy alak ka, lasing ka ba?"

Bakit ba sa tuwing amoy alak ako ay iyan agad ang tanong nila, lasing ka ba?

"Tara, kumain tayo. May malapit na resto riyan sa labas." tumalikod ang Presidente at nag simulang maglakad. Wala tuloy nagawa si Yhasmine kung hindi ang sumunod.

Hindi naman siya gutom pero tanghali pa ang huli niyang kain. Nag inom nga siya ngunit iyong alak lang rin ang ginawa niyang pulutan.

Minsan lang mag aya ang Presidente kaya hindi na siya tumanggi. Pang ilan na nga ba ito? Pangalawa o pang apat? Hindi niya na maalala.

Naupo sila roon sa bandang dulo at mag kaharap ang upo. Dahil glasswall ang resto na iyon ay nakikita nila ang mga palakad lakad na tao, mga sasakyang pang transportasiyon at pang sariling sakayan.

Ang Presidente ang namili para sa kanilang hapunan. Si Yhasmine naman ay nakatingin lang sa labas dahil hindi niya matignan ng harapan ang Presidente. Naninibago siya dahil sa akto bigla nito. Hindi naman ito ganito noon kaya bakit ganito siya ngayon?

Nag simula silang kumain nang ihain sa harapan nila ang mga pinili ng Presidente.

"Alam mo bang nasisiraan na ng mga ulo ang mga iniwan mo? Kailan mo balak bumalik?" natigil si Yhasmine sa pag subo ng steak na kahihiwa niya palang nang mag salita ang Presidente. Alam niya na rin pala...

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن