Chapter 131

2K 145 36
                                    


Yhasmine's POV




Nagtataka kong pinanonood si Jase kung paano siyang mag kanda uga uga sa pag baba habang sinusuot ang grey na jacket, halos madapa pa siya sa bilis ng pag kababa niya.




Nasusuya ko siyang pinanood mataranta sa pag kuha niya ng tinapay sa dinig room, magulo pa ang buhok at halatang bagong gising, mukhang naalimpungatan ang isang 'to, ah?




"Jase bakit nagmamadali ka?" tanong ni Mama sakaniya roon sa sala, ako naman ay inaayos ang suot kong coat, handa ng pumasok sa paaralan.




"Nasa hospital si Khari." sagot niya habang nag tatangal ng muta sa harapan ng salamin.




"Huh?! Bakit raw? Na aksidente ba ang batang iyon?" gulat na tanong ni Mama.




"I-i don't know Mom! Stop asking me!" mabilis na tumakbo si Jase sa kotse niya, ako naman ay sinundan lang siya. Inis na inis niyang binuksan ang gate dahil hindi niya mahintay ang kasambahay na gawin iyon.




"Hindi ka papasok?" tanong ko sakaniya, nilabas ko na rin ang motor ko, ako na rin ang nag sara ng gate.




"Mukha ba akong papasok? Sa hospital ang punta ko." baling niya sa 'kin, akala mo nasa karera kung paanong mabilis niyang pina andar ang kotse niya. Pag na aksidente 'to, ewan ko na lang.




Balak 'atang tumira ni Khari sa hospital, ah?




Plinano ko na sa utak ko ang mangyayari sa araw na 'to, papasok ako sa school, kakain sa canteen, makikipag usap kay Cleo, pag tapos noon ay may pupuntahan ako pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na pinaparada ang motor ko sa parking ng Sanchez Hospital, tangina naman.




Iniwan ko sa compartment ng motor ko ang bag ko, tinatamad akong bitbitin iyon. Hinahangin ang buhok ay nag lalakad ako sa entrance ng hospital, nakita ko pa ang M&M na nag tatakbuhan, nag uunahan sa elevator. Katulad ni Jase ay halata sakanila ang bagong gising, mga nakapantulog pa, lalo na si Ryzeil na may hawak pang robot na laruan.




Nakasilip lang ako sa pintuan ni Khari rito sa room niy sa hospital, wala siyang malay, bukod ro'n ay sobrang dami niyang sugat sa mukha, pati na ang mga braso niya ay naka balot rin, pati ang leeg niya ay may kung anong nakalagay roon, brace 'ata ang tawag ro'n. Naka life support pa siya, dahil mayroong naka lagay roon banda sa ilong at bunganga niya na para makahinga.

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Where stories live. Discover now