Chapter 144

311 12 6
                                    

Leo's POV

FLASHBACK

"Mr. Del Vierra is the only one who got a perfect score."

I stood up to get my paper in front as Ma'am Rivera gave it, while walking my block mates were clapping, congratulating me for getting a perfect score on our exam, I couldn't help but smile while thanking my professor before going back to my seat.

"Tsk, 6 points na lang sana perfect din ako," napatingin ako sa katabi ko nang magsalita ito, it was Mark, my best friend. He looks disappointed while crumbling up his exam paper.

"It's okay, Dude, at least you passed it and you're one of the highest, congrats." I tapped his shoulder, proud of him, he survived another semester.

"Tsk, it's not okay, my parents will scold me again." he rolled up his eyes.

"Tch, what they think of you, a grade-schooler?" I joked, he laughed and got his bag, signaling for us to go to the cafeteria.

"Ewan ko ba, naiinis na rin ako sa ginagawa nila sa akin, they been doing this since we were kinder. 'Di na mga nagsawa." He's scratching his nape.

"Conyo ka talaga, 'di na ako magtataka pag naging ganiyan din anak mo in the future hahahaha," I laughed.

"You're gago hahahaha!"

"Eh, baka isunod mo pa sa pangalan ng magiging asawa mo, ah paawat ka naman, Pre!"

"Of course! Lahat start with K! Hehehe,"

"Speaking of, 'yan na, oh." Nginuso ko ang babaeng papasok sa glass door ng cafeteria.

"Hello, Leo! Mark!" Khyla approach us, nakangiti pa habang kumakaway sa akin. Oo, sa akin lang, dahil sa akin lang naman siya nakatingin at nakaharap.

"Hi, Khyla! Have you eateng your tanghalian na?" Ngiting ngiti si Mark. Siraulo rin 'to, kitang kapapasok lang sa cafeteria, malamang kakain pa lang 'yan.

"Uh, I'm just about to buy food, eh." Khyla gently scratched her nape, getting shy in front of my best friend.

Bakit naman nahihiya 'to?

They end up buying together since Mark insisted to buy her lunch, ako naman ay pinagpatuloy ang pagkain. Makipaglandian lang si Mark at ako ay kakain dahil iyon ang ginagawa sa cafeteria.

'Di naman sa bitter, wala lang talaga akong interes sa pag-ibig.

Lumipas ang ilang buwan at malapit na kaming magtapos ng kolehiyo, kaya naman paspasan kung mag-review ako para sa finals. Abala akong nagbabasa ng libro nang tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako roon, nang buksan ko ay text ni Khyla ang nakita ko, gusto makipagkita sa batibot, may sasabihin daw sa akin.

Matagal kong tinitigan ang mga libro at papel na nakakalat bago bumuntong hininga at nilisan ang library. Sana lang ay importante ang sasabihin niya sa akin.

"Khyla," tawag ko sakaniya nang makarating ako. Nakaupo siya at nakapikit, parang nagdadasal na ewan, baka kausap sarili? Hindi ko alam.

"L-Leo!" nagulat siya at napatayo paharap sa akin, natawa naman ako, mukha siyang bata.

"Anong sasabihin mo? Hindi ka ba busy mag-review?" Tanong ko, naningkit ang mga mata ko at kinuha ang dahon sa buhok niya, hindi naman ako nahirapan dahil mas matangkad ako kaysa sakaniya, napapangiti pa ako dahil saan niya nakuha iyon?

"Gusto kita, Leo. Matagal na, sobra."

Naestatwa ako sa ginagawa ko at nawala ang mga ngiti ko nang marinig ko ang sinabi niya. Dahan-dahan kong naibaba ang kamay ko kasabay noon ang pagtama ng aming mga mata.

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Where stories live. Discover now