Chapter 124

2.2K 152 134
                                    

Yhasmine's POV



"Tangina, wag kayong haharang harang sa dadaanan ko!"



Inis kong sigaw sa ER, paano ay palakad lakad ang iba. Gulat tuloy silang napatingin sa'kin, kahit na ang mga nurses at docotor.



"Isa ka pa, tabeeee!!!!!" malakas kong sigaw sa mismong mukha ng lalake sa harapan ko, napaupo siya sa gulat habang nakatingin sa'kin, sinamaan ko pa siya ng tingin bago inalalayan si Khari mahiga sa bed. "Nasaan ang doctor?!" inikot ko ang paningin ko at sabay sabay na doctor ang pumunta sa'kin. "Bilis, paki gamot, dahil baka kayo ang gawin kong pasyente rito." tinuro ko si Khari na nakahiga, sinabi ko rin na gamutin rin nila ang iba ko pang kasama, yung M&M.



Sila Von naman ay inutusan kong asikasuhin si Keisler roon. Ako na ang sumama sa M&M papunta rito sa hospital. Hinila ko ang isang doctor kaya natataranta siyang tumingin sa'kin.



"Makinig ka, pag may nakita akong bukas o nag dudugong sugat sa kahit anong parte ng katawan niya, ikaw ang malalagot, kuha mo? Balik!" matapos ko siyang bantaan ay tinulak ko siya pabalik kama ni Khari.



"Kalmahan mo lang Ley, hindi naman mamatay si Khari, inom ka muna." inabutan ako ni Brix ng tubig.



"Eh, kung ikaw ang patayin ko?" inis kong hinablot ang binigay niyang tubig at nag lakad paalis. Pero bumalik rin ako dahil wala naman akong pupuntahan.



Tapos na nilang gamutin si Khari at hinahanda na ang kwarto niya kaya narito pa kami sa ER at naghihintay. Naupo na lang ako sa bandang paanan ng kama niya at tinignan si Brix na kasama na ang M&M, lahat sila ay nagamot na.



"Paano ninyo nalaman ang lugar na 'yon? Bakit naroon kayo?" seryoso kong tanong sakanila.



"Ang sabi noong Keisler ay hawak ka niya raw, nag send pa nga siya sa'min ng pictures." sagot ni Ryzeil. Napatingin ako sakaniya, mabuti at hindi malala ang tama ng batang 'to.



"At naniwala naman kayo?" tumango sila. "Mga tanga, buti at hindi si Pula ang nakaharap ni'yo, tsk." inis ko binaling ang mata ko kay Khari na nakatingin na pala sa'kin. "Dahil kung 'yon ang nakaharap ninyo, walang nakatayo sa harapan ko ngayon." seryoso kong sabi. "Lalo ka na Acevedo, dalikado ka sa mata ng mga kalaban ko." dinilaan ko ang sarili kong labi, kaiinom ko lang ng tubig ay tuyot na agad 'yon. "Ano ba 'yan? Ginawa kang mummy, sana ay pinag suot ka na lina ng bandage." inis kong hinampas ang pisngi niya. "Ay gago." napamura ako ng malakas niya 'yong ininda, napapasigaw pa sa sakit, nakalimutan kong may mga sugat pala siya.



"Ley..C-can we talk later?" nahihirapang sabi ni Khari sa'kin, hinawakan pa ang kamay ko kaya mabilis ko 'yong binawi sakaniya.

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Where stories live. Discover now