Chapter 130

2.1K 129 37
                                    

Yhasmine's POV

Back to school na kaya naman maaga akong nagising para pumasok, pinarada ko ang motor ko bago nag lakad papasok sa loob.

Roon pa rin ako naupo sa tabi ng pinto, saglit ko pang tinitigan ang braso ni Khari na wala na ang mga tatto niya, hindi niya kasi ssuot ang cout niya kaya naman kita  ko, ano 'yon fake tattoo lang? Weak!

"Good morning!" biglang pumasok si Frae sa pintuan, nagtaka ako dahil naka uniform na rin siya. Kasunod niyang pumasok ang The Six, mukhang sa Section K.O 'to si Frae. 'yon ang previous section niya bago siya na-coma, eh.

"Walang maganda sa umaga kung ikaw ang unang makikita." binato siya ni Shiro ng lukot na papel sa mukha.

"Kalma ka lang hapon ka, may good news kami! Hihihi!" pumalakpak pa siya at naupo sa mesa ng upuan ko.

"Para kang kabayo, tabi." tinulak ko siya sa pag kakaupo at nag head down.

"Good news? What the fuck it is?" tanong ni Khari at sinuot ang coat.

"Pwede na ang Section M&M sa canteen!" sabay na sigaw ni Frae at Kiara, parang mga tanga.

Agad na nag diwang sa saya ang mga kupal, akala mo ay nanalo sa paligsahan dahil nag yayakapan pa, pati si Frae, tinayo pa si Shiro para yakapin at gaguhin. Bahala  silang mag gaguhan riyan.

Hindi ko sila pinansin nang lahat sila ay tumingin sa 'kin, tumayos ako at lumabas, ngingiti ngiting tinahak ang canteen, sawakas! Napasuntok pa ako sa ere nang maka pasok ako sa glass door ng canteen. Pinag titinginan ako ng mga estudyante, ang iba ay nag bubulongan pa, mukha raw akong tanga.

"Pangit mo gago." binatukan ko ang isa na naka salubong ko, isa siya sa bumulong na para raw akong tanga.


Hindi mahaba ang pila kaya nakabili agad ako ng makakain, naka tray 'yong inabot sa 'kin. Naupo ako sa pinaka dulo at nag simulang kumain, bandang entrance.


"Pwede na ulit kami rito mga gago!" isang malakas na sigaw ang nakapag palingon sa 'kin sa entrance ng canteen, iyon at nag uunahang tumakbo sa pila ang M&M, parang mga nakawala sa koral. Kasabay nila ang The Six, si Frae at sila Khari at Shiro, ang pinag kaiba lang ay iyong siyam ay nag lalakad hindi katulad ng M&M na kulang na lang itulak ang mga nakaka salubong.

Pinag patuloy ko lang ang kinakain kong spaghetti at pritong manok. Naupo sila roon sa tabi ng table ko, kaya naman rinig na rinig ko ang mga pinag sasabi nila.

"Anong bundok ang may gulong Kerwin?" tanong ni Brix, kagaguhan na naman 'to.


"Ano?"

"E'di mountain bike, bobo nito." kinagati niya ang tinapay na hawak ni Kerby. Nag tawanan sila ng malakas, napapatingin tuloy ang iba sakanila pati na ang ibang Teachers na naglalakad.

"De ayos lang, sino nga ba naman ako para maging icing sa ibabaw ng cupcake mo." naka ngusong sabi ni Ryzeil, katabi si Heven.

Saglit akong tumalikod para tumawa dahil sa sinabi niya, pati ang mga kupal kahit na sina Jase ay ang lakas ng tawa. Saan niya nakuha ang mga pinag sasabi niya?

"Huh? Binibigyan kaya kita, oh." inabutan siya ni Heven ng cupcake.

"Ry, may tinuro akong banat sa 'yo 'di ba? Sabihin mo na." naka ngiting hinampas ni James ang balikat ni Ryzeil.

"Heven?" nilingon niya ang girlfriend niya. "Ikagagalit ba ng baraha kung sa 'yo ko ulit gustong sumugal?" nag angas angasan pa siya, na syang pag tawa na naman nila ng malakas.


Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Where stories live. Discover now