Chapter 114

2.3K 131 39
                                    

Khari's POV


"Cosmo esta--"

"Kung hindi mo kayang mag english ay mag tagalog ka na alang t baka masungangal kita kakasalita mo ng spanish." hinampas ko ang ulo niya ng  mga papel.Documents iyon,
binabasa ko, tungkol sa Chairman.

"Sabi ko nga, init agad ng ulo!Oh sya kamusta?!" sinigawan niya ako sa mismong mukha ko kaya tinulak ko siya.

"Tigil tigilan mo ako sa mga kagaguhan mo.Lumayas ka sa opisina ko kung sisisgaw ka lang nang sisigaw." inambahan ko pa siyang babatuhin ng mini vase rito sa desk ko.

"Joke lang!Ang hirap talaga mag biro sayo!" sigaw niya na naman kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Anak ng..Hoy Kaleb!Rinig na rinig namin ang sigaw mo!" pumasok si Khaz kasunod si Khirz. "Wag mong masigaw sigawan iyang si Khari at baka pumutok ang bungo mo!Kita mo ba 'yang mga nasa likuran niya?Pag kumuha siya ng isa diyan ay patay ka!" inis niyang binatukan si Kaleb.

Nilingon ko ang likuran ko at naroon ang mga baril kong mahahaba, tatlo iyon na naka disenyo sa pader.

"Ah sya nga pala may nahanap akong info sa Chairman." pag sasalita ni Khirz. "May iligal siyang negosyo sa batanes, roon sa pilipinas.Ang sabi saakin ay puro bomba iyon at mga baril, tsk!Sigurado ka bang kakalabanin mo ang tatay mo?!" parang gago niyang sabi.

Bomba at baril?Para saan naman iyon?

"Sino ang namamahala ngayon roon?" tanong ko at inikot ang swivel chair ko para tumalikod sakanila at humarap sa glass wall ko sa gilid.

"Iyong kanang kamay niyang si Mike ang namamahala dahil may ibang pinagkaka abalahan ang Chairman." sagot niya naman.

Ano naman kayang pinag kakaabalahan ng gunggong na iyon?

"Bibilihin ko ang lahat ng iyon." inikot ko ang upuan ko at nag pangulumbaba sa mesa, tinutukoy ang mga bomba at baril.

"Ano?Nasisiraan ka na ba?Hindi mo pwedeng gawin iyon lalo na kung pangalan mo ang gagamitin." agarang sabi ni Khaz at talagang hindi niya matangal tangal ang pag hawi
niya sa buhok niya.Ang sarap niyang kalbuhin.

"Sino bang nagsabi na pangalan ko ang gagamitin?Hoy Kaleb di'ba may mga kaibigan kang taga Russia?" nilingon ko si Kaleb.

"Hmm meron nga, pero hindi pwedeng puro sa Russia ang bibili Khari dapat ay mayroon rin rito sa Spain." nag pagwapo pa nga.

"Dalawang gobyerno ang gagamitin ko rito at tatlo naman sa Russia.Kaya naman kausapin mo na ang mga kaibigan mo." utos ko sakanya.

"Sigurado ka na roon Khari?Hindi lang bilyon ang ilalabas mong pera." naninigarilyong sabi ni Khirz.

"Tsk, kahit bawasan ko ng ilang bilyon ang pera na meron ako ay hindi ako maghihirap." nginisian ko siya.

"Sabagay, narito sa Spain ang pinaka marami mong pera na syang binabantayan rin namin."

Kung bibilihin ko lahat iyon ay matatagalan silang gumawa ng bago?E'di matatagalan rin sila makakakuha ng pera.Hindi naman ako nanghihinayang sa ilalabas kong pera, kung para naman kay Ley ay lahat gagawin ko.

Pumunta kami sa mansion nila Khaz kung nasaan nakatago ang kayaman ko.May underground ang bahay  na ito at naroon ang mga limpak limpas kong ginto.Sumakay kami ng elevator para makarating roon.May ID sila Khirz at Khaz na makakapag bukas noon.

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Where stories live. Discover now