Chapter 129

2K 130 83
                                    

Khari's POV



"She's here..."





Napatingin ako sa tinuro ni Zara, iyon at maangas na nag lalakad si Yhasmine papalapit sa 'min. Wearing her black suit partnered by black heels, bukas rin ang dalawang butones niya sa bandang kwelyo, sapat lang iyon para hindi makita ang clevage niya, ang bilis humaba ng buhok niya.





"Mga bigatin pala ang mga kakilala ni Ley ano?" tanong ni Nica.





Nag taka ako nang salubungin siya ni Yeana, the international model actress, mag kakilala sila? Mukha nga dahil nasa iisang table lang sila malapit sa 'min. May lumapit pang isang babae at kitang kita ko ang pag ka irita sa mukha ni Ley.





"Sino 'yan? Mukhang kagalit ni Ley, ah?" tanong ni Brix, nag kibit balikat lang ako. Malay ko kung sino ang bruhang 'yon, kung kagalit siya ni Ley ay galit na rin ako.





Nag sagutan sila sa mismong harapan ko kaya rinig na rinig ko ang bawat salitang binibitawan nilang dalawa.





"Bakit sa 'kin mo hinahanap? Ako ba ang nag luwal kay Von? Sa pag kakaalan ko ay hindi." natawa kami ng bahagya sa sinabi ni Ley, pero agad ring nawala ang ngiti ko nang lumapit si Von kay Ley, tch.





"Palaka!" malakas na sigaw ni Ley habang yakap yakap si Von, parang tanga silang mag kayakap at nag tatalon roon dahil sa takot, wala namang ginagawa ang palaka sakanilang dalawa. Tanga na lang ang matatakot sa palaka, para naman lulunukin ka ng buo niyan pag lumapit sa 'yo.





"Khari.." kinalabit ako ni Shiro kaya liningon ko siya, halos mapatalon ako sa gulat nang may iharap siya sa 'king ahas!





Pero noong mapag tanto kong peke 'yon ay malakas na batok ang natanggap niya sa 'kin! Gago kang hapon ka!





"Hindi takot sa baril pero sa ahas takot?" hirit niya pa kaya inambahan ko siya ng suntok, hinarang lang kami ni Zara, sinamaan ko lang siya ng tingin bago binalik ang atensyon kina Ley na ngayon ay nag yayabangan na para bang hindi natakot sa palaka.





Naiwan akong mag isa sa table dahil lahat ng tao ay nag ka-count down sa bagong taon, pinanood ko lang sila hanggang sa sunod sunod na pumutok ang fire works, pag balik ko ng tingin ay nakatingin na sa 'kin si Ley, nginitian ko lang siya.





Happy New Year Yhasmine.





Tumalikod ako at nag sindi ng sigarilyo, nakakalahati ko pa lang 'yon nang may kumuha sa kamay ko, pag harap ko ay gulat akong nakita si Yhasmine na hinihipak ang sigarilyo ko, sinubukan kong kunin 'yon pero ayaw niyang ibigay kaya tumigil na ako. Jase told me that his sister is smoking when she's stress, is Yhasmine stressed? 





"Happy New Year Khari." nagulat ako sa pag bati niya, hindi ko inaasahan 'yon. Pero mas kinagulat ko ang pag yakap niya. "Okay lang 'yan Khari, kung hindi ka pa handang sabihin sa 'kin ay ayos lang. Hindi ko man maipapangakong maiintindihan ko pero sususbukan ko hanggang sa maintindihan ko. Wag mo ng lunurin ang sarili mo sa problema. Hindi man ako nakikipag usap sainyo ay pinapansin ko naman ang bawat kilos ni 'yo." sabi niya habang tinatapik ang likod ko, yinakap ko siya pabalik at hinilig ang ulo sa balikat niya, ngayon ko na lang siya nayakap kaya susulitin ko na, hindi ko alam kung kailan masusundan 'to pero sa ngayon ay yayakapin ko muna siya na para bang walang bukas. "Kung sakaling handa ka na, puntahan mo lang ako." iniwan niya ako roong nakatulala sa mga sinabi niya.





Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Where stories live. Discover now