Chapter 143

627 29 20
                                    

Yhasmine's Pov


"Hindi mo habang buhay maitatago ang anak natin, Yassie. Ang anak ko."

Napatago ako sa gilid nang marinig ko ang boses ni Leo, noong tignan ko siya ay kausap niya ang Mama ko. Matapos ang bugbugan kanina ay dinala ako nila Leo rito sa Sanchez Hospital. At kasalukuyan akong nagpapahangin sa garden noong makita ko silang magkasama kaya naman napatago ako.

"Hindi ko tinatago ang anak natin, Leo," hindi makatingin si Mama kay Leo, nakatagilid ito at tinatanaw ang mga matatayog na puno at mga halaman sa harapan.

"Hindi mo lang sinabi na may anak tayo, gano'n?" sarkastiko niyang sabi. Siya naman ay nakaharap sa direksyon ni Mama.

"Huwag mo nga akong pinipolosopo, Leo."

"Tsk, wala manlang akong kaalam-alam na may anak pala akong iniwan dito sa pilipinas, bakit hindi mo sinabi sa akin, Yassie?"

"Hindi ka naman nag tanong."

"Ikaw ang pilosopo kausap, eh."

"Tigilan mo ako."

"Ako ang tigilan mo sa kagaganiyan, Yassie. Alam mo naman kung gaano ko gusto magka-anak, yet you chose to hide my daughter, how disappointing is this?"

"Fucking shut up, Leo. Hindi ko sinabi dahil ayokong kuhanin mo sa akin si Yhasmine, anak ko rin ang bata."

"How can you say that now in front of me, knowing everything that you and your husband have done to my daughter? Are being for real right now, Yassie Marra Jae Sanchez?"

"Stop calling me by my full name, Leo Del Vierra. It's like you're calling your late wife."

"Are you jealous?"

"I am not jealous for fuck's sake, Leo. I'm a married woman and I love my husband."

"Then, why did we have sex 20 years ago again?"

"Are making fun of me or you're here to talk about our daughter?!"

"I'm here to talk about our daughter, I just like pissing you off hahaha."

"At nagawa mo pang matawa ano?"

Para kong pinapanood ang sarili ko sakanilang dalawa. Kung paanong mamilosopo si Leo, tatay ko nga siya. At kung paanong mabilis mapikon si Yassie, nanay ko nga siya. Sila nga ang magulang ko. Napangisi ako dahil para lang akong nakatingin sa salamin at nag aaway-away ang mga personalities ko.

"How's my daughter, Yassie? Did she grow up well?"

"She grew up like you. Exactly like you. Pati na ang kayabangan mo, kuhang kuha ng anak ko. Tsk, hindi ko talaga mapigilang mapikon sa tuwing magyayabang siya, biniyayaan yata iyon ng diyos ng dila para magyabang nang magyabang!"

"Kaya ganoon ang trato mo sa anak ko? Tsk, nonsense, Yassie."

"Hindi ko lang kayang ipakita sakaniyang mahal ko siya. Alam mo naman na gustong gusto kong magka-anak ng babae. Sadyang manang-mana sa'yo ang anak natin."

"Bakit, naaalala mo ba ako kay Yhasmine?" my dad smirked, irritating my mom.

"Nagkukusa, dahil ugali lang yata ni Yhasmine ang nakuha niya sa akin. The rest, iyo na, lalo na kayabangan mo"

"Hahaha cool!"

"Cool mo mukha mo!"

Sinundan ko sila ng tingin, matapos ang bangayan nila ay pumasok na sila sa building kung nasaan ang room ko. Napabuntong hininga ako at pumasok na rin. Hawak-hawak ko ang pisngi kong namumula at medyo namamaga habang naglalakad nang mabunggo ako ng matangkad na lalaki.

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Where stories live. Discover now