Chapter 122

2K 139 25
                                    

Yhasmine's POV


Lumipas ang ilang araw nang hindi ko sila pinapansin, hindi nakikipag usap, kung lilingunin ko man sila ay wala pang reaksyon mukha. Ni sumabay nga sakanila sa hapag ay hindi ko magawa. Dito na 'ata tumira sila Mama dahil narito na sila.


"Hindi ka pa rin ba sasabay mag umagahan, Ley? Ilang araw ka nang hindi kumakain." sinalubong ako ni Tita Rachelle nang makababa ako sa hagda, handa ng pumasok. Nilagpasan ko lang siya at dire-diretso lang ang lakad nang harangin ako ni Kuya Rach.


"Sumabay ka na sa'ming kumain, ibibigay ko ang susi mo." pinakita niya sa'kin ang susi ng motor ko. Mabilis ko 'yong hinablot kaya nagulat siya, inirapan ko siya at lumabas na. Sa wakas ay makakapag motor na.


"Ley..."


Tawag sa'kin ng M&M nang pumasok ako sa room, roon ulit ako naupo. Noong makabalik ako sa bahay ay hindi muna ako pumasok, nag kulong lang ako sa kwarto. Ngayon na lang ulit ako pumasok. Naka P.E uniform ako dahil thursday.


 Wala sana akong balak pansinin sila pero hindi ko mapigilang lumingon sa gawi nila Khari, nag salubong ang kilay ko nang makita kong puro tattoo ang kaliwang braso niya. Puro 'yon tattoo, ultimong mga likod ng palad sa daliri ay meron. Bagay naman sakaniya, pero anong  naisipan niya at nag pa tattoo siya ng ganiyan karami?


Maganda ang tattoo niya pero mas maganda ang 'akin. Meron akong tattoo, roon sa likod ng balikat ko sa kaliwa, para sa'kin ay wala ng mas gaganda pa ro'n. Matagal na 'yon at sabay pa kami ni Von na nag pa tattoo noon. Lahat ng nasa grupo namin noon ay may tattoo, ako ang pinaka pinuno.


Hindi 'yon alam ng M&M,  dahil noong acquaintance party ay tinakpan 'yon ni Tita Rachelle ng kung ano para hindi makita na may tattoo ako.


Nang mag tama ang paningin namin ni Khari ay saglit akong nakipag titigan bago umiwas ng tingin. Mukhang problemado pa rin siya at wala pa ring balak mag sabi sa'kin.


Kung ayaw niya ay mag dusa siya mag isa, hindi niya 'ata napapansin ang mga tinginan ko sa tuwing titigan ko siya, bahala na siya, wala akong pakialam sakaniya.


Kinatuwa ko ang hindi nila pag pansin sa'kin. Walang kumausap at tumabi sa'kin kaya naman naging payapa ang umaga ko. Nag isip isip lang ako sa mga oras na 'yon. Kung ano ano lang.


Lumabas agad ako pag ka tunog ng bell, hudyat na breaktime na. Dumiretso ako sa likod ng building at naupo sa bench, sinandal ang ulo sa pader at pumikit.


Naguguluhan ako...


"Kumain ka." napamulat ako nang may mag salita, nakita ko si Kiara na nakatayo sa harapan ko, ayon at bitbit ang katarayan sa mukha, hindi na 'ata mawawala pa sakaniya iyon.


"Ayoko ng away ngayon, Kiara please lang." pumikit ulit ako at nag cross arm, huminga pa ng malalim.


"Sinabi ko bang away ang pinunta ko rito?" mataray niyang tanong. "Kumain ka na ba?" muli akong napamulat sa tanong niya.

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Where stories live. Discover now