Chapter 116

2.2K 136 26
                                    

Khari's POV

"Gising na ba siya?"

Tanong ko sa Nurse nang makadaan siya sa harapan namin.Narito kami sa lobby ng hospital at nag uusap usap.Pinaliwanag ko na sakanila, sa M&M ang lahat kung bakit ko iyon ginawa.

Ang ilan sakanila ay dissapointed dahil raw ay sana sinabi ko agad sakanila, na gu-guilty raw sila sa mga sinabi nila sa'akin.Ayos lang naman sa'akin iyon dahil wala naman silang alam noong mga araw na iyon.

"Kagigising niya lang po kanina.Kung tatanungin niyo po ako ulit kung pwede nang bumisita sakniya ay hindi pa rin po pwede, ayaw po ng pasyente." pag sagot niya sa'akin, marahil ay alam niya na ang kasunod ng tanong kong iyon.Huminga ako nang malalim bago nag pasalamat kaya umalis na siya.


"Ayaw mo ba talagang humingi ng tulong kay Ley?" maya maya ay tanong ni Ryzeil sa'akin.Hindi niya pa talaga naiintndihan ang sitwasyon namin ngayon.

"Hindi pwede Ry." ngumiti ako sakniya ng pilit at ginulo ang buhok niya, ngumuso lan siya at tumabi kay James na ngayon ay busy sa cellphone.

"Ano kayang nangyari kay Ley at bakit narito iyon sa hospital?Tsk tsk."

Sabay sabay kaming napalingon roon sa nag salita dahil narinig namin ang pagalan ni Ley.Apat na lalaki iyon at nangunguna ang pinaka matangkad sakanila na siya ring may pinaka malakas na aura, parang ako lang.

"Hello po.Yhasmine Ley po ang bibisitahin?" sinalubong iyon ng Nurse na lagi kong tinatanong.

Ang mga gago hinarang iyong apat nung madaanan kami, nag taka tuloy ang mga iyon.

"Ah kilala ko kayo, M&M right?" sabi noong nasa gitna.

"Sino ka?" hindi ko naman ginustong mag mukhang walang modo pero ganoon talaga ako mag tanong pag hindi ko kilala at kakilala ni Ley.

"Von ang pangalan ko, pakitandaan 'yan." pag papakilala niya.Simple lang 'yon pero ramdam na ramdam ko ang angas sa pag sasalita niya, parang si Ley.

That line...

Von?

"Von?Hala e'di ikaw iyong Ex ni Ley?" parang gago 'tong si Elmerr, kailangan pang tanungin!Babatukan ko 'to mamaya eh!

"Mauuna na kami, nga pala.Kung pwede ay lumayo muna kayo kay Yhas, hindi kasi maganda ang timpla niya nitong mga nakaraang araw baka bangasan kayo." natatawa niyang sabi at tinapik pa ako sa balikat na para bang mas matangkad siya eh mag kasing tangkad lang naman kami!Nang aasar ba siya?!

"Payag ka noon Khari?Tinapik at tinawanan ka lang ng Ex?" bulong ni Kion sa'akin.Inambahan ko siya ng suntok kaya lumayo siya.

Badtrip.Siya pala ang Ex noon ni Ley?!At bakit siya ay pinayagan na bumisita at ako ay hindi?!

Narito ako sa harapan ng kwarto ni Ley at pinanood siyang inaasikaso noong Von na 'yon.Kung paano siyang alagaan noon at pinangingiti, magagawa ko rin ba sayo 'yon ng ako ang dahilan at hindi siya?

Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganoon, sa ilang buwan namin siyang nakasama ay hindi siya ngumiti ng ganiyan sa'amin.Iyong ngiti na nakikita ko ngayon ay parang wala siyang problema at parang ang saya niya pag kasama niya ang Ex niya.Kahit sa'akin na madalas niyang kasama ay hindi niya pa pinaramdam sa'akin iyon.

Ni ngumiti nga ng ganiyan ay hindi niya nagawa lalo na iyong kurutin niya ang pingsi ng Ex niya at sinabing ayos lang siya, simple lang iyon pero nakaksakit lalo na para sa'akin.

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Where stories live. Discover now