Chapter 145

372 15 12
                                    

WARNING: TOO MUCH VIOLENT....HEHE

Yhasmine's POV

"Ako nga! Halos tatlong taon ko ring hindi narinig ang boses mo, ah?!"

Napasabunot ako sa buhok ko at huminga ng malalim, ano namang kailangan nito?

"Putang ina mo."

"Grabe ka naman! Masama bang mangamusta? Maka-mura ka naman parang hindi tayo tropa, ah?!"

"Hindi talaga, tang ina mo."

"Tsk, hindi mabiro talaga!"

"Huwag mo akong ginagago, Pula, anong kailangan mo?" napahinga ako ulit ng malalim, hindi tatawag 'to nang basta-basta ng walang kailangan.

"Nakakalimutan mo yatang may atraso ka pa sa akin, Yhasmine? Punta ka naman dito nang ma-areglo na natin!" nagbago ang tono ng boses niya, naging seryoso, galit at agresibo, sinasabi ko na nga ba may kailangan 'to.

"Paano mo nakuha ang numero ko?" napatingin na lang ako sa langit.

"Anak ka ng...Iyan pa talaga ang tinanong mo ano?! Hindi na mahalaga iyon! Pumunta ka rito at gusto kitang maka-usap."

Binabaan ko siya ng tawag, agad naman siyang nag text ng address, matagal ko iyong pinakatitigan at nag-iisip kung pupunta ba ako roon, tinignan ko pa ang compartment ng motor ko at huminga ng malalim, umakyat ako saglit sa aking kwarto at nag palit ng damit, saglit pa akong nagtaka dahil bukod sa mga kasambahay ay wala sila Tita Rachel, gayunpaman ay umalis na rin ako.

Nang makarating ako sa address na ibinigay niya ay pinarada ko ang motor ko at nag-ayos. Huling buntong hininga ang pinakawalan ko nang pasukin ko ang lugar na iyon. Sinipa ko ang kahoy na pinto, halos matanggal iyon sa p'westo sa sobrang lakas ng sipa ko. Ang dilim ng paligid, ang tanging liwanag na natatanaw ko ay sa kalagitnaan pa, mapupundido pa yata ang ilaw dahil may kahinaan na ito.

"Yhasmine!, Akala ko ay bibiguin mo ako at hindi ka pupunta?!" Lumabas mula sa gitna ng dilim si Pula, ngiting-ngiti. Alistaire ang tunay niyang pangalan ngunit mas kilala siya sa palayaw na Pula dahil sa mata niya.

"Mukha kang tanga." Sinamaan ko siya ng tingin at naglakad papalapit.

"Oh, riyan ka lang!" Napatigil ako nang sabihin niya iyon. "Ah nakalimutan ko, nag imbita ako ng mga bisita. Iyan sila," naka ngiting sabi sa'kin ni Ali, bumukas ang ilaw sa gilid at nakita ko ang buong Section M&M! "Napaka konti nila kaya naman sinama ko na rin ang iyong pamilya." bumakas pa ang ilaw sa katabi ng M&M, sila Mama!

Naka kulong sila sa parang rehas at mga naka tali sa mga upuan, mga bakal ang tali nila kaya hindi nila magagawang maka takas doon, kumpleto ang Sanchez doon, maski na si Lola ay naroon, gano'n rin ang M&M, si Khari lang ang may sugat sa mukha, paano silang napunta rito?! Mas kinagulat ko nang hindi ko makita si Jase!

"Gago ka!Bakit kailangang madamay sila?!" Galit na sigaw ko sakaniya.

"Kalma, Yhasmine, manonood lang sila 'wag kang mag-alala." Naka ngiti niya pang sabi. Napabuga ako ng hangin, hindi pa man ako nakikipag laban ay pakiramdam ko talo na agad ako dahil hawak niya ang M&M at ang pamilya ko "Itong si Acevedo, sinubukan pang manlaban kaya naman wala kaming choice kung hindi patahimikin haha!" Turo niya kay Khari.

"Traydor ka, akala ko ba ay may pag uusapan lang tayo? Ano to? Bakit narito sila?!" Inis kong sigaw.

"At naniwala ka, kailan ba ako nakipag usap sa'yo ng walang nadadamay?" Natatawa niyang sabi.

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Where stories live. Discover now