Chapter 142

564 26 5
                                    

Announcements: Hello! Just want to inform you all that i changed the last name of Freclaro Family into Ladezma Family. I also thought of changing the portrayer of Von, i want it to be Kim Mingyu of Seventeen, but kayo na ang bahala sa imagination niyo kung mananatiling si Lee Jong Suk ang gusto niyo, but for me, si Mingyu na talaga hehehe, anyway, we're close enough to end this story! But, after this, story naman nila Von at Yhas ang sunod, which is 'yung Full Of Why's (it was actually Her Name Is Yhasmine Ley, but i changed my mind haha!) lovelots, Nasiums!

You can follow me on IG din, kasi minsan i post on my stories some spoilers hahahaha

IG: aintyour_jani

P.S: Mabagal pa rin updates ko but I'll make sure na worth it kada-hintay niyo, graduating na naman kasi ang Ate niyo, sowwss!!

Yhasmine's Pov


Mula pagkabata, mula magka muwang at isip ako sa mundo, wala akong ibang ginawa kung hindi ang mag-aral nang mag-aral. Aral lang nang aral, at talagang nagagalit ako sa tuwing may iistorbo sa akin, lalo na para sa mga walang kuwentang bagay. Pag-aaral ang dahilan ko para mabuhay pa, dahil gusto ko ng pagmamahal, pagmamahal na mula sa magulang ko.

Gumuguho talaga ang mundo ko kapag nakakakuha ako ng mababang marka sa kahit anong atibidad sa eskwela, natatakot akong ma-disappoint ko ang magulang ko. Tanging gusto ko lang naman ay maramdaman ang pagmamahal nila, kahit huwag na nilang sabihin, dahil mas mahalaga sa akin ang iparamdam kung ano nga bang nararamdaman nila.

Ngayong nagtapos na ako sa high school, ngayon ko lang naramadaman ang lahat lahat na pagod ko sa pag-aaral mula grade school, ngayon lang talaga, ngayon ko lang naramdaman, o mas tamang sabihin na ngayon ko lang inamin sa sarili kong pagod na pagod na ako sa pag-aaral.

May apat na taon pa ako sa kolehiyo.

Napangiwi ako nang sumagi sa isip ko iyon, sarili ko talaga ang kalaban at sumisira sa panandalian kong kasiyahan paminsan-minsan, tsk.

Nakatayo ako sa stage, wala naman akong balak mag deliver ng motivational o kaya naman inspirational message sakanila, pagpapasalamat lang ang tanging gagawin ko, dahil wala akong masabi at tinatamad na gumalaw nang gumalaw ang dila ko sa mga oras iyon.

Valedictorian.

Napangiti ako, titulo ko rin ito noon kung nakapag tapos lang sana ako halos tatlong taon ang nakalipas. Kung hindi ko lang pinabayaan ang pag aaral ko noon ay nasa 3rd year na ako ng kolehiyo, gayumpaman ay hindi na ako aangal pa dahil baka ito ang naka tadhanang mangyari, sasabayan ko na lang kung ano ang magiging daloy ng buhay ko sa susunod pang mga taon.

"Napasalamatan ko na ang lahat ng taong importante sa akin, pero itong pasasalamat na sasabihin ko sa isa talaga sa pinaka espesiyal sa akin, iba 'to, sa'yo lang ako magpapasalamat ng ganito sa tanang ng buhay ko," bahagya pa akong natawa, hinanap ng mga mata ko ang mukha niya at pinakiramdaman ang prensensiya niya, agad kong naramdaman ang pares ng mga mata niyang nakatingin sa akin kaya alam ko na agad kung saan ko itutuon ang tingin ko."Thank you so much for everything, Yvonne Mauve Ladezma, my savior," nakangiti ko siyang kinawayan, lahat tuloy ay napatingin sa puwesto niya, nasa harapan siya sa dulong gilid, kasama ang pamilya ko, kumaway naman siya pabalik sa akin. "Hindi ko talaga alam kung anong mangyayari sa buhay ko kung hindi ka dumating noong araw na iyon, wala sana ako sa kinatatayuan ko ngayon, Thank you so much, Mavi," walang kasing tamis at puro ang ngiting ibinigay ko sakaniya, seryoso ako sa mga sinabi ko.
"Congrats to us, everyone!" iyon lang at bumaba na rin ako.

Pulos palakpakan at hiyaw ang naririnig ko habang naglalakad papalapit sa aking pamilya, sinalubong ako ng halik sa pisngi ni Jase at halos hindi ako makahinga sa mahigpit niyang yakap, paulit-ulit at walang tigil niyang tinadtad ng halik ang ulo at mga pisngi ko, sobrang saya niya.

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Where stories live. Discover now