Prologue

21.9K 587 1.2K
                                    

Prologue












"Wala akong pake sayo, Erys! Tumigil ka na mag-aral! Wala ka namang mararating!"



Para namang hindi ko iyon alam. Alam na alam ko naman na wala kang pake sa akin. Gusto ko sanang sabihin iyon sa tatay ko pero dire-diretso na lang akong lumabas sa bahay at sumakay ng jeep pa-Katipunan.


May mararating ako. Mag-aaral ako at aalis ako sa impyernong bahay na iyon. May mararating ako. Hindi ako papayag na wala. The only way for me to get out of this fucking hell hole is  to study, succeed and never come back. I will never pity them, especially him, when the time comes. I will never pity my own father.




Pumasok ako sa campus nang nakangiti.



"Hi, Erys! Yung cupcakes mo, nirecommend ko sa boyfriend ko na taga-PhilSCA! Pwede ka ba magdeliver doon? Nasarapan rin daw  classmates niya." Sabi sa akin ni Laurie.





"Uy, sige." Sabi ko, "Hindi nga lang ako sure kung nasaan ang PhilSCA."






Apparently, the Philippine State College of Aeronautics is located in Pasay City. Syempre, kadalasan sa mga kurso na nandoon ay ang mga kurso tungkol sa aviation. Wala akong choice kundi mag-grab para lang hindi pumangit ang mga pastries na bitbit ko.





Professor sa PhilSCA ang boyfriend ni Laurie at balak niya yatang bigyan ang mga estudyante niya. Pero pakiramdam ko, gusto lang ako tulungan ni Laurie na makabenta dahil alam niyang gusto ko nang umalis sa pamamahay namin. Hindi pa sapat ang ipon ko para sa isang maliit na dorm sa sobrang taas ng mga rates.






"Kuya Tyrone!" Tawag ko dahil mas matanda siya sa amin ni Laurie at mas sanay akong tumawag ng Kuya sa mga mas matanda sa akin.







"Erys!" He smiled at bumeso sa akin. Nasa loob siya ng classroom pero wala pa ang mga estudyante niya, mukhang nag-aayos lang siya dito.






"Ito na..." Ipinatong ko ang pastries sa lamesa niya. Sinilip niya iyon, "Para saan ba yan?"





"I'll resign eh..." Sabi niya, "Despedida? Parang ganoon, regalo ko sa kanila kasi I'll finally enroll sa flying school and earn hours."






"Wow!" I smiled, "Congrats!"






Nagulat ako nang pumasok ang isang grupo ng mga estudyante niya. They are all wearing that white uniform na may mga details. Iyon yata ang standard uniform dito sa PhilSCA. Anim yata sila, para silang mga k-pop group. Tapos may isang babae silang kasama.






"Yun oh!" Sabi nung isa, "Teach us your ways, retsam."






"This is my girlfriend's friend, Ivo. Wag kang magulo diyan." Tumawa si Kuya Tyrone. Kumuha siya agad ng pambayad sa wallet at agad na binigay sa akin, "Nakwento ni Laurie..."






Nahiya ako dahil alam ko na marami rin silang problema pero tinutulungan pa nila ako sa abot ng makakaya nila.






I grew up with a rude step mother and an alcoholic father. Kung hindi ako magsisikap, walang mangyayari sa buhay ko. Going in Ateneo is a dream for me. Kahit kailan, hindi ko inasahan na makakapasok talaga ako sa napakaganda at prestihiyosong Unibersidad. But being in Ateneo also made me realize how unfortunate I am with my life, mula sa mga magulang, hanggang sa mga materyal na bagay.






"May dinner ako with Dad mamaya so maybe we can just do a meeting tomorrow?" Narinig ko na naman si Risela.





Inggit na inggit ako sa buhay niya. She's living a very privileged life. Ano kayang pakiramdam na pag-aaral mo lang ang problema mo? Ano kayang pakiramdam na may mga magulang kang minamahal ka at sinusuportahan sa lahat ng gusto mo? Why am I not born that way? Why do I have to endure a cruel life? Why do I have to have parents who never cared for me?






Ang unfair eh. Wala naman akong kasalanan sa mundo.






"Daenerys? Saan galing ang pangalan mo? Game of thrones?" Tanong palagi ng mga kaklase ko, "I am Daenerys Stormborn of the House Targaryen, the First of Her Name, the Unburnt, Queen of Meereen, Queen of the Andals and the Rhoynar and the First Men, Khaleesi of the Great Grass Sea, Breaker of Chains and Mother of Dragons!"







Natawa ako kay Yanzy. Fan yata siya ng game of thrones.




Pero magkaiba kami ni Daenerys Targaryen. I am not a Queen. I am a commoner.





"Excuse me?" Kumatok ako sa classroom kung saan ko huling pinuntahan si Tyrone, "Nasaan si Sir Tyrone niyo?"






"Baka nasa office." Sagot nung isa sa akin. Tumango ako at tumungo papunta sa office.



Sumilip muna ako sa labas pero wala yatang tao sa loob. I knocked at noong may narinig akong bumagsak sa sahig ay napagdesisyonan kong pumasok sa loob. Baka kasi hindi ko lang siya makita.









My eyes widened when I saw two students french kissing. French kissing! Not just kissing but french kissing!

Naestatwa ako pero kahit na alam nilang may pumasok ay natawa pa rin sila. The girl fixed her hair before kissing the guy again, looking at me, winking and walking away.

Hindi ako makahinga sa pagkabigla.






Bumalik ang tingin ko sa lalaki. He buttoned his uniform and fixed the pin kung saan nakasulat ang pangalan niya. Nanalamin siya at inayos ang magulong buhok.




Juan Luis Lee
Aircraft Maintenance Technology





Iyon ang ang nakasulat sa pin niya. When he looked at me, I stepped backward, "God, you are here again." Natawa siya.





"MOMOL? Sa faculty? Really?" I scoffed.





"Wala namang tao." He played with his smile, "Affected?"





"It just screams indecency," Sabi ko.





He slowly walked towards me, nasa bulsa ang mga kamay. He walked and walked until my back touched the wall. Humahanap na ako ng daan palabas.






"Damn girl, you have the guts," He whispered.






Hinawi niya ang kaunting buhok sa mukha ko pero iniwas ko ang mukha sa kanya, "Don't touch me."





He raised both of his hands and took a step backward. Hinubad niya ang wrist watch niya bago ito inayos ulit. His white pilot uniform suits him so much. I've never seen anyone look this gorgeous in a school uniform.






"Don't report me." He bit his lowerlip while smiling, "Or I'll report you."





"What? What the hell are you talking about?" I asked.





"With that face, no one will ever expect that you are in a relationship..." He smiled, "with your friend's boyfriend."





Lumakas ang tibok ng puso ko. My jaw dropped. My eyes went teary. I looked at him. Hindi ako makasagot. Ang tanging nagawa ko lang ay lumuha.






"So baby, let's not talk about decency and indecency." He said, "Hindi bagay sayo."

The Ruins of WinterOnde histórias criam vida. Descubra agora