Chapter 9

9.5K 482 2K
                                    

Chapter 9









"Erys, thank you!" Bati sa akin nung isang suki ko dito sa PhilSCA.


"Salamat rin..." Bati ko, "Sa susunod ulit ah?"


"Oo naman." Sagot niya, "You know, I'm not really into sweets, I just really love the way you do your product. Sakto lang. Hindi nakakasawa."


"Thank you naman..." I smiled, "Nga pala, tumatanggap na ako ng commission ng cake. Kaya if ever, pwede na sa akin kapag merong may birthday."



"Great!" She smiled, "I'll take note of that."


Ubos na ang tinda ko. Kailangan ko nang bumalik sa school maya-maya kaya mabuti na lang at naubos na. Medyo traffic pa naman ang biyahe at mahirap na sumakay sa jeep kapag tanghali. Inaayos ko ang gamit ko sa bench nang makita si Juan Luis na naglalakad.

He's not wearing his school uniform this time. Naka-basketball attire siya mula ulo hanggang paa. Nakikipagtawanan sa mga teammates. Umiwas ako ng tingin bago niya pa ako mahalata dito. Hindi rin naman siya ang pinunta ko dito.


"You guys can go,"



"Yan tayo eh! Iba na naman yan, JL!" Dinig ko.


"Tanga! Anong iba? Shut up!" I heard him.


Tinignan ko siya nang maglakad na siya palapit sa akin. May headband pa siya sa noo na may logo ng nike. His hair is not that long yet but you can tie it in little portions already. Kita ko na naman ang lip piercing niya. He doesn't wear it all the time, siguro kapag nasa mood lang siya.



"Tapos ka na?" He asked, looking at my things.


"Oo." Tipid kong sagot.


"Are you going home na?" He asked again.


Umiling ako, "May klase pa ako kaya babalik pa ako sa Ateneo eh. Bakit? Wala ka bang klase?"

"Wala. I just came here to play..." He said, "Tapos na rin kami... tapos pupunta ako ng Ateneo kaya sabay ka na..."


I raised a brow, "Ano naman ang gagawin mo sa Ateneo?"


"May ibibigay ako kay Tain." He smirked, "Ano na naman iniisip mo?"


"Wala..." I looked at him, "Iniisip ko kung saan pa ako pwedeng magbenta or what... kailangan ko na talagang magpromote online."



"I-post mo ng maayos tapos isheshare ko." Sabi niya, "I have a little following on instagram that could help."


"Instagram? Anong magagawa 'nun? Dapat sa facebook para mas marami ang makakita. Hindi ka ba nagfefacebook?" Tanong ko.


"Hindi eh." He chuckled. Pasimpleng kinuha ni Juan Luis ang plastic bag na bitbit ko. I watched his actions quietly, "Let's go." Juan Luis grabbed my hand.

Hindi ko maiwasan na mapatingin sa mga kamay naming magkahawak. He's casually walking ahead of me. Slowly, Juan Luis intertwined our fingers. Nang pinatunog niya ang kotse ay doon pa lang siya humiwalay sa akin.





I am scared. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtanong sa kanya. Gusto ko na lang yata hintayin ang oras na magsawa siya dito at marealize niyang wala siyang mapapala sa akin. Juan Luis will search for a different challenge soon. That's for sure. Everyone knows that he can't settle.




"Anong oras ka uuwi?" He asked while driving.



"Mga 6:00..." Sagot ko, "Bakit?"




The Ruins of WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon