Chapter 19

9.6K 461 2K
                                    

Warning: mention of abortion.



Chapter 19








"Gone." Like winter...

Never coming back... and even if he shows up in front of me again, I will never come back. I will never forgive. Siya na lang ang meron ako eh. Sa kanya na lang ako nakakapit dahil ang akala ko, kakampihan niya ako kahit anong mangyari. Sa huli, tama pa rin silang lahat. I am easy to throw away. Sa huli, ako pa rin ang masama at ang magnanakaw.

"Inom pa tayo!" Sabi ko sa kanya, "May mga kasama ka ba? Gara!"

"You're wasted, Daenerys. We should go. I will drive you home. I should drive you home." I laughed at him. Nahihilo na ako pero malinaw pa ang mukha ni Yuri sa akin.

"Saan? Wala akong uuwian. I don't have a place to stay. I don't have a home!" I laughed and laughed, "So I'll just stay here and ruin my life. Wala naman na akong uuwian... babalikan... lahat sila, lahat sila... iniwan na ako. Lahat sila, ayaw sakin..."

"That's not true, Daenerys." He sighed, "Where's your wallet? So I can check your address."

"Ayoko nga!" I chuckled, "Paano kung masama ka palang tao at pogi ka lang kaya hindi halata? Hindi ako sasama sayo kahit pinahiram mo sakin ang jacket mo at yung dress..."

"I am not a bad person. I want to drive you home so you won't encounter a bad person. Lasing na lasing ka na at mag-isa ka lang. It's a good thing that I saw you." He explained pero wala nang pumapasok sa utak ko, "I can't leave you here like this, Daenerys."

"Then don't! Drink with me!" I held his wrist, "Please, Yuri? I really had a tough day. No matter how hard I try, I always end up having a tough day."

He sighed. Inalalayan niya akong umupo muli. I chuckled when he also sat down on the chair stool beside me. Sumenyas siya sa bartender para bigyan siya ng inumin. Yuri smells like lavender. Different from what I usually smell from Juan Luis.


Juan Luis na naman. Stop thinking about that asshole, Erys. He's probably out there, not thinking about you while having the time of his life. From now on, you stop thinking about temporary people. Gago. Selfish na ako noon, mukhang lalo akong magiging selfish.


"How was your day? Why is it tough, Erys?" He asked me.

I chuckled, drinking the remaining alcohol in my glass before answering him, "Maaga akong umalis para magasikaso ng requirements para sa trabaho. Naglakad sa daan para makatipid kasi wala na nga akong pera! Sobrang sakit ng paa ko. Ang dami nang sugat... wala pa akong kain ng kanin..."


"Do you want rice? I think they have rice meals in their menu..." He suggested.

Umiling ako, "Okay na! Busog na ako sa alak!"


"That is bad for your health, Daenerys." Saad niya, "Don't be hard on yourself..."

Natawa ako, "Sabi ko, iyan ang new year's resolution ko... eh tangina, nakakagalit talaga sarili ko eh... hindi ko alam kung paanong hindi ako maiinis sa sarili ko..."


"Daenerys..."


"Doctor ka ba? Med student?" Tanong ko sa kanya.

Umiling si Yuri at uminom ng kaunti, "No. I'm a literature student."


"Wow!" I praised, "You got the vibe. Para ka ring straight out of the book na tao. Yung perfect na leading man... ganoon. Tapos ako, ako yung bida na sana mamatay na lang sa ending..."


The Ruins of WinterWhere stories live. Discover now