Chapter 8

9.7K 565 1.9K
                                    

Chapter 8















I couldn't say that butterflies did not appear before me and went straight to my stomach after seeing that gift and letter. But aside from that, it scared me. God, it made me nervous. May halong kaba ang puso ko nang makita ang regalong iyon.


It's beautiful and luxurious but me... I am a chaos waiting to turn every beautiful and luxurious things into mud. I make everything ugly. I make good memories bad. I make pretty things cheap. I am destruction waiting to happen. Kaya labis-labis ang takot sa puso ko.









Alas dose yata ng tanghali nang tumigil ako sa pagmamasa ng harina. Kumpara sa mga nagagawa ko noon sa bahay nila Papa, mas marami talaga ako ngayong natatapos dito. Nakakagawa na kasi ako sa araw at hindi na kailangang magpuyat at magtago sa hatinggabi.


Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng tanghalian ng tumunog ang telepono dito sa condo. I stared at it. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin dahil baka mamaya ay kung sino iyon pero nang paulit-ulit na ay itinabi ko na ang plato ko at lumapit upang sagutin ang tawag.





"Hello-"






"Daenerys!" Si Juan Luis, damang dama ko ang pagpapanic sa boses niya, "Nasaan ka?"






"Nasa condo. Bakit?" Tanong ko, "May problema ba? Ayos ka lang?"





"Fuck..." He cursed, "I need your help."





"Saan? May ginagawa ako eh-"





"Bake a cake for my mom." He said, "Please? Si Daddy kasi!" May sumagot sa kanya sa background kaya sumagot rin siya pabalik, "Kasalanan mo 'to Dad! Scammer kasi 'yang kausap mo! Anong hindi? Scammer!"






"JL..." Tawag ko at medyo natawa.






"So, the story is... my father ordered to a friend and nagkamali ng date na inilagay kaya hindi aabot ang cake ng mommy ko sa ngayon..." He explained, "I badly need your help right now. Mommy wants a chocolate-strawberry cake..."






"Ha? Eh... wala rin akong materials para sa strawberry o kahit sa mga tamang gamit para sa cake, Juan Luis..." Sabi ko, "Baka hindi ko lang magawa ng maayos. Nakakahiya sa mommy mo."






Sobrang intimidated pa naman ako sa nanay niya. Picture pa lang, nangangatog na ako. Pakiramdam ko, hindi pwedeng magkamali sa harap 'non. Masyadong mataas. Baka mamaya ay hindi lang magustuhan ang gawa ko. Sigurado pa akong maraming natikman iyon na mas masarap...




I just don't like being compared. I hate it the most. Kaya natatakot ako. I don't even know how his family will react.

I don't like being compared.






"Erys, please?" But Juan Luis kept asking, "I will pay you. Tell me kung anong kulang mong gamit, ipapadala ko sayo ngayon. I need it by 7:00 tonight."





I bit my lower lip, "Baka kasi hindi niya magustuhan..."





"I love your pastry." He said, "So I'm sure that mommy will love it too. Please?"






Well? Ano pa bang magagawa ko? Eh alam ko naman na hindi titigil si Juan Luis hanggang um-oo ako sa kanya. I told him what I need na wala ako dito but I decided to use the flour I'm using since earlier.

Sa paulit-ulit kong panonood, natuto talaga ako. I think it's a talent of mine to learn immediately from the things I watch and read. Mabilis akong makapick up ng mga bagay-bagay. But with the things Juan Luis requested, it's still hard. Kahit na isang layer lang ng cake, ang hirap pa rin.






The Ruins of WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon