Chapter 31

9.6K 450 3.1K
                                    

TW: Death.


Chapter 31








As per Dr. Ivo's advice, we immediately went back to the hospital and admitted Isaiah in the hospital. Sa ngayon, positibo silang lahat na parating na ang puso na magmamatch sa kanya. They told me that they are waiting for a brain dead person again. Hinihintay na lang na alisin na ang life support. Sa ngayon, hindi pa handa ang mga magulang.






It's a girl. A four years old girl. Even younger than Ice. At kadalasan talaga sa mga ganitong kaso ay dahil sa mga aksidente. Car accident na naman ang dahilan. Hindi ko alam kung saang ospital siya naka-confine.




Sometimes, when I'm alone, I stare at nowhere and think about death. Life is futile. We work hard but we will still end up dead. I always think about how I will die. Kung sa aksidente ba, sa sakit o sa katandaan na lang. If I were to choose, I will never choose death by accident. Gusto ko na may panahon pa ako upang magpaalam sa mga taong mahal ko. Ayoko ring mamatay sa sobrang katandaan, because it just means that I'll have to endure more from this world.




"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!"



Sabay-sabay na pumalakpak ang mga nurse at doctor na pumasok saglit sa kwarto ni Ice para sa maliit niyang birthday celebration. Ice leaned closer to the cake, shuts his eyes to make a wish and finally blowing the number seven candle.





Ang bilis ng panahon. Para bang kahapon lang ay hindi pa siya makalakad at makapagsalita. Pero ngayon, he's already a big boy who can tie his own shoe or even take a bath alone. I am torn between saying that I am scared and sad to see him grow up or I want to see him become an amazing adult.




Gusto kong makita na matupad niya ang mga pangarap niya sa buhay. Gusto kong suportahan siya sa lahat ng gusto niya. Gusto kong mahalin ang lahat ng tao na mamahalin niya kapag dumating na siya sa punto na kaya niya nang magmahal ng higit pa sa pagmamahal niya sa akin.



I remember Mrs. Hernandez and how he told me that Juan Luis gave a much bigger love for me. Gusto kong makita si Isaiah na ganon.



Ngunit sa kabilang banda, ayoko rin. I want him to be my baby forever. I want him to need me forever. I want him to stay beside me forever. Even though I know that it's impossible.



"Where's Juan Luis?" Tanong ni Doc Ivo.



"May flight po, Doc. Mamaya pa po ang uwi niya." Sabi ko dahil iyon naman talaga ang dinahilan niya sa akin. It's not like I asked for his schedule.




Wala ngayon si JL dahil may trabaho nga. May flight sa Cebu pero ang sabi ay babalik rin agad mamaya. Hindi ko alam kung anong oras, nagsabi lang siya na uuwi siya agad dito.





"Mamaya pa dadating si Tito, Ice, kaya magpahinga ka muna. Gigisingin kita kapag nandito na siya." Sabi ko.




"Mama, kailan po pupunta sila Lolo dito?" Tanong niya bigla.




"Sa susunod na linggo, ang sabi nila sa akin. Pero syempre, ang sabi ko naman sayo, nag-iipon pa sila ng pamasahe at hindi nila maiiwan agad ang trabaho doon." Paliwanag ko.



Nahihiya na nga ako dahil ang sabi ko ay maghahanap ako ng trabaho dito pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nagagawa. Wala rin akong oras at panahon dahil hindi ko maiwan si Isaiah. May mga nurse man na pwedeng magbantay, mas gusto ko pa rin na ako na lang ang nandito sa tabi niya.





The Ruins of WinterWhere stories live. Discover now