Chapter 23

9.1K 447 1.5K
                                    

Chapter 23










"Nahihibang ka na ba?" Diretso kong tanong sa kanya.





"Yeah, probably." Mabilis rin ang mga sagot ni Juan Luis. Halatang nadadala sa emosyon at hindi nag-iisip bago magdesisyon. As always, his recklessness is showing.






"Anong akala mo? Magbabahay bahayan lang?" Tanong ko sa kanya, "Umuwi ka na, Juan Luis. Nakita mo na ba si Risela? Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya pero hindi ka niya natatandaan... hindi niya rin ako natatandaan. Puntahan mo ang kaibigan mo. Hindi ako. Marami akong ginagawa dito."







"They... already went to Risela!" He uttered, "She... got lost seven years ago, Erys..."






Lost? Si Risela?



Tumango si Juan Luis sa akin. Just... how many things changed since I left? Hindi ko maintindihan. Why did Tain let that happen? I mean... it's probably out of control but why did that happen? To the extent of not finding her in seven years and to the extent of her losing her memories? Just... how difficult the last years was?








"Ngayon, nakita niyo na siya. Umuwi ka na kasama nila." Iyon na lang ang sinabi ko dahil ayoko nang pahabain pa ang kwentuhan namin ni Juan Luis. I don't have plans in catching up with him.









Muli ko siyang tinalikuran at iniwan sa gabing iyon. I want him to stop involving himself with me again. Kung noon, kaya ko pang makipaglaro sa kanya, iyon dahil bata pa kami. Pero ngayon, hindi na kami mga bata na maraming panahon para makipaglokohan. I have my priorities but I'm sure he also got his. He should stop making everything a joke. He should stop... trying to make people feel like they actually matter.









Pero Erys... paano kung minahal ka talaga niya? Katulad ng nasa sulat, kasama ng mga oras na iniwan mo. Paano kung totoo iyon? Paano kung wala ka lang tsansa na marinig iyon dahil nagkandaleche leche na ang lahat?

Paulit-ulit kong tinanong ang sarili ko pero nauuwi pa rin ako sa sagot na... sa huli, tinalikuran niya ako. He left me hanging. Siya lang ang kakampi ko noon at binitawan niya ako. Now tell me, is that love?








Juan Luis loves concluding things. Maybe he just assumed that what he felt was love. But it was just lust... and convenience... dahil ako ang malapit at palaging nasa tabi niya. He mistaken something shallow as love. I don't blame him for it, though. Maybe it was just new to him. Maybe it was just... different, that time.







"Pa, pagising ako ng 11:00, before lunch." Sabi ko sa tatay ko na nanonood telebisyon pag-uwi ko ng alas singko ng umaga, "May call ako sa part time... tsaka yung mga orders..."






"Daenerys, baka naman ikaw na ang magkasakit niyan?" Tanong ni Papa.






Umiling ako. Hindi pwede. Hindi pwedeng hindi ko patusin lahat ng trabahong pwede kong makuha para kay Isaiah. Kapag nagkasakit ako, pwede naman akong uminom ng gamot. Pero kapag si Ice ang nawala sa akin, hindi ko kakayanin.







"Erys, kumain ka muna bago ka matulog..." Sabi ni Tita Yolly na kakalabas lang sa kusina.





"Okay na ako, Ta. Kayo na lang po muna. Kumain ako bago umuwi." Sagot ko.







"Erys, uh, mamaya..." Sabi ni Tita, "Pwede mo ba ulit subukang tawagan si Marian? May kailangan lang rin talaga akong sabihin sa kanya. Tinignan ko yung number na binigay, tama naman talaga. Baka iba lang ang nakasagot noong huli kang tumawag..."







The Ruins of WinterWhere stories live. Discover now