Chapter 3

10.4K 544 2.8K
                                    

Chapter 3







"Una sa lahat, paano mo naman nalaman na naghahanap ako ng bahay?" Tinaasan ko siya ng kilay.





"Hmm... I saw you," Juan Luis answered before raising his hand to call a waiter and order. Agad na lumapit ang isang babaeng waiter at binigyan kami ng tig-isang menu. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang presyo ng mga pagkain at agad na isinara ang menu.





"What?" He asked, "Hindi ka ba gutom?"





"Wala akong pera," Sagot ko sa kanya, "Mag-usap na lang tayo. Kumain ka kung gusto mo pero hindi na ako. May pupuntahan pa ako pagkatapos nito."






"Yeah, right." He said, "Skip your meals and then faint on the street. Tignan natin kung saan ka dalhin..."






"Kakain ako, pero hindi dito." Sabi ko at umirap. Pakielamero, pati sikmura ko gustong pakielaman. Eh, pucha, yung presyo ng pagkain dito, budget ko na para sa isang linggo eh, baka nga pwede pang umabot sa next week. Nagtaka tuloy ako kung may ginto ba ang mga recipe nila.





"Just pick anything, Daenerys." Ay, first name basis? When pa?





Umiling ako sa kanya. Ayoko nang dagdagan ang utang na loob ko sa ibang tao. Katulad nang iba, I know that Juan Luis is just here because he needs something. Wala siyang allowance or whatever, hindi ko alam. Basta ang alam ko, may dahilan ito.

Ganoon naman kasi ang mga tao. I don't expect much from people. Siguradong sa huli ay may pakay sayo. There are no pure intentions in this selfish world.







"How stubborn..." Umirap siya bago nagtaas ng kamay at tumawag ng waiter, "Uhm... two lobster macaroni and cheese, seafood risotto, saumon fumè for appetizer... and soupe de jour..."





He spoke french so fluently that it caught me off guard.


"For dessert, Sir?"



"Gateau au Fromage and... crème brûlée..." Sagot niya, "I'll have one glass of red wine and she'll have one orange juice..."



Binasa muli ng waiter ang mga sinabi niya bago lumakad palayo para i-process ang order niya. He took his phone out and did not look at me pero nang magtagal ang tingin ko sa kanya ay tinignan niya na rin ako pabalik, "Ano?"






"Wala akong pangbayad sayo." Diretso kong sabi sa kanya, "Wala akong pera. Mahirap lang ako. Ikakayod ko lang ang ibabayad ko sa condo unit mo dahil gusto ko nang lumayas sa amin kaya sana seryoso ka sa offer mo... dahil hindi ito biro para sa akin. I don't have time to joke and have fun. I don't have the time to play with you and your lame jokes."







"Ang daming sinabi..." He smirked and scoffed, "First, I am buying those food because I am hungry. Hindi kita sinisingil. Pangalawa, I am not joking when I offered you my unit. Do you think that this is easy for me?" He asked, "Third, my jokes are not lame baka wala ka lang sense of humor."






I sighed, "Saan at paano mo ako nakita?"






"Walking around Katipunan... asking for spaces for rent..." He answered, "I have a lot of friends studying in Ateneo and it just happened that I saw you. I need extra money."






"Extra money... pero 1,500 lang?" Tanong ko.





"It's not that I don't have money at all, baby." He answered, "But I am saving for something. Hindi mo na kailangang malaman. Pinutulan ako ng cards ng Mommy ko kaya..."







The Ruins of WinterWhere stories live. Discover now