Chapter 28

8K 397 1.6K
                                    

Chapter 28









"Susunod kami agad, Daenerys," sabi ni Papa sa akin. I can feel that he's unsure of what to do to comfort me. Kung hahawakan niya ba ang kamay ko o yayakapin ako ng mahigpit. But, honestly, anything is enough. I nodded at him, believing his words.



"Mag-ingat kayo," sabi ni Tita Yolly at yumakap sa akin bago tumingin kay Ice na nakahiga sa kama at gising, "Magpapakabait kay Mama at kay Tito, okay, Ice?"



"Opo, Lola..." sagot ni Isaiah.




He recovered, ngunit kita ang paghina ng kanyang katawan. Mas kita na meron siyang dinaramdam ngayon. Katulad ng sinabi ni Dr. Castillano, kailangan nang mangyari ng heart transplant. Isaiah needs a new heart, his heart is about to give up anytime.

Nasa ambulansya kami ngayon. Binuhat ng mga nurse si Ice at inilipat sa wheelchair. Nandito na kami sa airport upang makasakay sa eroplano na dala ni Juan Luis. He's already on the plane, may inaasikaso. Habang kami ay naghihintay sa kanyang go signal.




"Tumawag ka sa amin kung may kailangan ka, Daenerys." sabi ni Papa. Tumango ako sa kanya.




When we all saw Juan Luis walking towards us in his uniform, we stood up. It's time to really say goodbye. It's time to go back.



"JL, ikaw na muna ang bahala..." sabi ni Papa kay Juan Luis. He nodded and took the hand that my father offered for a handshake.



"Pwede po kayong tumawag sa number na ibinigay ko kahit anong oras, Tito." Aniya.



Papa nodded, "Salamat. Alam mo na kung para saan ang mga pasasalamat ko... I-kumusta mo ako kay Elian... at River..."



I looked at my father intently. How he learned to forgive is already beyond me. Nasira ang buhay ni Papa dahil sa galit niya. Kung paano niya binitawan ang lahat ng puot na iyon ay hindi ko na alam.


"Erys, makisama ka... ng maayos..." Tumingin siya sa akin.



"Kayo rin." Saad ko, "Uminom kayo ng gamot sa tamang oras. Kapag ubos na, sabihin niyo sa akin para makapagpadala ako ng pera. Maghahanap pa rin naman ako ng trabaho doon para magkaroon ako ng pera. Ako ang palaging tatawag sa inyo. Huwag kang iinom ng alak at magpapagod sa labas, lalo na kapag mainit ang panahon. Huwag ka na ring—"



Natawa si Papa, "Alam ko na yan lahat."




"Alam mo nga pero palagi mo namang kinakalimutan." Sagot ko sa kanya bago yumakap, "Pa, sumunod k-kayo, ah?"



Yumakap siya sa akin pabalik, "Susunod kami, Daenerys..."



Hindi sila makakasama dahil hindi naman pwedeng agad na bitawan ni Tita ang trabaho niya. If they will come with us, it requires so much time. It requires a month or more. Kaya naiintindihan ko na hindi pa sila makakaalis. Basta ang mahalaga ay makasunod sila habang nandoon pa kami. Sana ay sa mismong operasyon ay nandoon sila.



Ilang minuto pa ang itinagal ng pagpapaalam bago kami sumakay sa eroplano. It's a small plane, halatang private plane ng pamilya nila.




The Ruins of WinterWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu