Chapter 26

9.5K 442 2.1K
                                    

Chapter 26





"Out mo na?" Tanong sa akin ng isang katrabaho. Tumango ako habang nag-aayos ng gamit, "Kaya pala may nag-aabang na. Saan mo naman nabingwit yan, Erys? Akala ko naman hindi mo lang gusto si Engineer. May iba pala."



"Huh?" Tanong ko.



"May nag-aabang na pogi sayo." Sabi niya, "Sana all."


Tsaka ko pa lang nalaman ang tinutukoy niya nang makalabas sa bar. Nasa dalampasigan si Juan Luis at nakatingin sa cellphone. This time, hindi kotse ang dala niya kundi motor. Nakadantay siya doon at hindi iniintindi ang mga taong halata namang tinitignan siya. His specs made him look so kind. Bakit nakaspecs? Pacute.





Tumigil siya sa pagtingin sa cellphone nang maaninag ako. He looked at me and smiled. Hindi ako ngumiti pabalik pero alam ko naman na walang pake si JL doon. Kahit hindi ako ngumiti sa kanya, hindi naman siya titigil.




"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.





"Uh, sinusundo ka?" He said, stating the obvious. Salamat ha.




I sighed at him, "Hindi mo naman ako kailangang sunduin. May pamasahe naman ako pauwi."



"Alam ko. Pero may pang-gas naman ako ng motor at mas tipid 'yon, 'di ba?" He raised a brow, "Hiniram ko ito kay Kuya Lito tsaka pinaayos ko na rin para maggamit niya."



Juan Luis get along with people well. Noon pa man ay alam ko na iyon. Tatlong araw pa lang ang lumipas pagkatapos ng fiesta ay nakasundo niya na ang mga tao sa amin. Palagi kasing pumupunta doon. Nakikipagkwentuhan sa kahit kanino. Ultimo mga kalaro ni Ice ay kilala na rin siya.

Not just that. Sa loob ng tatlong araw ay napakarami na niyang naitulong sa mga taong nandoon. Isa lang ang motor na ito sa napakarami pang bagay. Naalala ko tuloy noong pumunta kami sa San Fernando, Pampanga, at kung gaano siya kamahal ng mga tao doon. Hindi lang siya kundi ang buong pamilya niya.





"JL..." I sighed again.




"It's so early in the morning, Erys." He smiled at me and placed a helmet on my mind, "Let's not fight. Or nag each other. Whatever I'm doing, I want to do it. It's not just about you, I really want to help."



"Hindi ka ba hinahanap sa inyo? Sa trabaho mo? Ang sabi mo, piloto ka na... sigurado akong may naiwan kang trabaho..." Sabi ko habang kinakabit niya ng maayos ang helmet sa akin.



"Who cares?" He chuckled. Tumalikod siya at inilagay ang sarili niyang helmet sa ulo. Huminga akong muli ng malalim.




He's so stubborn. Magbabago lang ang panahon pero hindi ang ugali niya. Kahit anong pilit ko, hindi ko siya mapapauwi kung ayaw niya talaga. Kaya bakit ko sasayangin ang oras ko sa pagpilit sa kanya? Uuwi rin naman 'to kapag napagod at nagsawa na.




Angkas niya ako hanggang sa makauwi kami. Umagang umaga ay nasa labas si Isaiah at nagbabike. Ilang araw na pero hindi pa rin nagsasawa sa bike na napanalunan niya. Pero bumaba ang anak ko sa bike nang makita kami ni Juan Luis. Tumakbo palapit sa amin na puno ng ngiti ang mga labi. Sinalubong ko siya ng isang mahigpit na yakap.






"Ang aga mo gumising," Sabi ko at hinalikan ang buhok niya, "Mamaya pa ang pasok mo."


Pang-hapon kasi si Ice at lunes ngayon. Kahit na madalas ay lumiliban sa klase dahil sa sakit, masipag pa ring mag-aral si Ice at pilit na humahabol.





The Ruins of WinterWhere stories live. Discover now