Chapter 7

10.1K 599 2.6K
                                    

Chapter 7











"Erys!" Lumapit si Laurie sa akin at kumapit sa braso ko. Malawak ang ngiti sa labi niya, palagi naman. I smiled at her, "I saw your post ha! You went to Baguio? Sino ang kasama mo?"


"H-Huh?" Anong sasabihin ko? Si Juan Luis? Pero dapat... ang boyfriend mo pero dahil hindi niya ako sinipot at nakipaghiwalay siya, may nangyari sa amin ni Juan Luis? See how fucked up that sounds?


"Ikaw lang ba mag-isa?" She asked and pouted, "Dapat sinabi mo. I don't have anything important to do this weekend. Nabored lang ako sa dinner ng family ko with their business partners, as always. Sila lang naman ang masaya sa ganoon."


"Biglaan lang kasi..." Pagdadahilan ko.


"What? Why?" She asked, "Is everything okay?"


Tumango ako sa kanya at ngumiti. It's not. My life is a mess pero wala namang bago doon. Binigyan ako ni Laurie ng isa pang ngiti. Humiwalay siya sa akin nang makakita ng kakilala, "Erys, wait lang ah!"

I nodded at her. She's pretty famous. She's pretty and rich so bakit hindi siya magiging kilala? Nanatili ako sa gilid habang hinihintay si Laurie na matapos kausapin ang kaibigan niyang si Kelly from social sciences. They talked about something and laughed together before she returned to me.


"I get it, Kelly!" Sabi ni Laurie habang kumakaway, "See you later!"


"Sure!" 


It's just a typical school day. Tatlo ang subject namin ngayon at tuloy-tuloy pa kaya medyo nakakadrain ng utak. Once my last class ended, I yawned. Inaantok na ako.



"Shopping tayo, Erys!" Sabi ni Laurie.




"Huh?" Sabi ko, "Wala akong pera..."




"Just go with me, please?" She pouted, "You know how much I love your taste. Ang galing-galing mo tumingin ng mga damit na bagay sa akin eh. Alam mo ba na yung huling dress na binili natin, isinuot ko sa date namin ni Tyrone and he loved it so much!"




I forced a smile, "Mabuti naman..."





"Tara na, please?" She pouted, "Hindi ka naman gagastos..."




Napakamot ako sa ulo. I sighed. Bandang huli ay sumama na lang rin ako kay Laurie sa mall. Whenever she feels like it, she will go to the mall and buy whatever she likes. Clothes, accessories, perfume, shoes, just anything she might like, really. Despite that, I never really saw her boasting to me or to other people. Mahilig lang talaga siyang magshopping dahil palagi rin siyang binibigyan ng pera.





"Ito, bagay sayo." Sabi ko sa kanya at inabot ang isang pink na bistida.




"Wow, ang ganda! I'll try it!"



Tinignan ko ang presyo kanina pero as usual, ang mahal. Meron namang imitation 'non sa shopee. Tingin na lang ako doon. Gusto ko rin kasi yung design at kulay kahit hindi ko naman alam kung masusuot ko talaga.

Oh, 'di ba, Erys? Napaisip ka. Hindi mo naman talaga kailangan kaya huwag mong sayangin ang pera para diyan. Marami kang dapat bilhin na gamit para unti-unti nang makaluwag. Maghahanap ka pa ng murang apartment.





Wala talaga akong panahon para sa luho. Ayos lang basta pagkagraduate ko, kapag may trabaho na ako, magiging worth it din lahat. Aahon ako sa hirap. Pipilitin ko talaga. Kung kinakaya ko nga ngayon na mag-isa ako, paano pa kung may stable job na ako?





The Ruins of WinterWhere stories live. Discover now