Chapter 27

8.3K 476 2.4K
                                    

Chapter 27







"Welcome to our family day, everyone!" Pagbati ng host. Ipinatong ni Juan Luis ang inadjust niyang ball cap sa ulo ni Ice at ngumiti sa anak ko. Juan Luis held his hand afterwards.






Hindi ko maiwasan na mag-isip. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng host sa stage. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa paligid ko. The only thing in my mind is the call from earlier. The voice I heard.

I frowned at myself.

I barely remember his voice but there's something inside me that tells me its the person I'm searching for. There's something inside me that knows who he is. Nanlalamig ako. Lalo na't dahil nandito si Juan Luis sa tabi namin ni Isaiah. Hindi ko alam kung ano ang gagawin.






"Erys." JL called my name, "Are you okay? You look pale."






I forced a smile at him, "A-Ayos lang ako. Uh, medyo mainit lang dito."






Pagdadahilan ko. Nasa field kasi kami at wala akong dalang cap. Mainit naman talaga pero hindi ko naman yun problema. Alangan namang sabihin ko sa kanya 'di ba? How can I tell that to him? Juan Luis, I'm fucked. I think the father of my child called me this morning. Sobrang gago pakinggan at isipin.






"Here..."

Inalis niya ang ball cap na suot at ipinatong sa ulo ko. Inayos niya iyon bago ngumiti sa akin. Para akong sinaksak sa puso habang pinapanood si Juan Luis. How he fixed the cap on my head makes me want to sob infront of him. Gusto kong sabihin sa kanya na manatili na lang siya sa tabi ko dahil natatakot ako sa mga susunod na mangyayari.







"Are you sure that you are okay?" Tanong niya muli.







I slowly nodded, "Oo naman. Hindi mo naman kailangang ibigay sa akin ang cap mo..."







"It's okay." He told me, "Hindi naman ako mahilig mag cap. Pwera na lang kung nasa trabaho..."





"Thank you." I told him.






Maya-maya pa ay nagsimula na ang unang laro. The students are grouped per section, there are five kids and five pair of parents per team, sa Red team kami kasali. Ang unang contest sa araw na ito ay ang paggawa ng cheer. Syempre, kaming mga guardians ang gagawa ng cheer at magtuturo sa kanila.






"Si Alison, dito..." Sabi ng isang nanay na kasama namin, "Dito naman si Isaiah... tapos dito si Mommy at Daddy ni Ice..."





Nagkatinginan kami ni Juan Luis bago sumunod sa nanay ng kaklase ni Ice. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya. There's no point of telling to them that JL isn't his father, dahil una sa lahat ay siya ang nandito. Everyone will just assume that way. Wala akong energy para magpaliwanag sa kanilang lahat.





Pagkatapos kaming turuan sa formation ay tinuro na sa amin ang hinanda na cheer. Isaiah is so active, singing and dancing with all his might. Nagugulat ako sa kanya.




"R-E-D! Red Team! Hindi papatalo, kahit kanino!" Sigaw nila.




Lumingon si Ice sa akin, "Si Mama hindi sumisigaw! Mama naman!"





"Nagsasalita ako..." Sabi ko sa kanya.




"Hindi kita naririnig..." Sumimangot si Ice sa akin.





"Sige, ito na... ito na..." Sabi ko.






Inulit ulit nila ang buong cheer bago nagdagdag ng mga dance steps. Napakamot ako sa noo ko habang tinitignan ang stage mother na nagtuturo sa amin na sumayaw.


The Ruins of WinterWhere stories live. Discover now