Chapter 6

11.4K 617 4.6K
                                    

warning: momol, hanggang leeg. they did it pero di ko sinulat, but still, its suggestive so read at your own risk.











Chapter 6







It's a bad idea.

I meant to go here with Juan Luis. Nararamdaman ko nang pagsisisihan ko ang desisyon kong ito.

Our first day in Baguio is... okay. Wala naman kami masyadong ginawa kundi ang lumibot sa iba't ibang tourist spot at kumain ng kung ano-ano. Hindi ko masabing na-enjoy ko siya ng todo dahil buong araw ay inisip ko lang ang mga sinabi ni Juan Luis sa sasakyan.

I hate his guts.

Hindi ko alam kung aware ba siyang masyado siyang magaling magsalita at sinasadya niya iyon o ganoon lang talaga ang ugali niya. He's confident and arrogant because he got everything. On the other hand, I am confident and arrogant because I don't have anything to lose. That's funny.

On our second night in their vacation house, I already got my own room. I feel so relieved with that. Ayoko talagang kasama siya sa isang kwarto. It's not that he's harmful. I'm just... bothered. Not bothered because I feel like he will violate me, tingin ko naman ay hindi siya ganoong tao. I'm bothered about me.

"Ma'am Erys, saan po kayo naging magkaibigan?" Tanong ni Kuya Pio, iyong hardinero nila dito.

Nauna kasi akong nagising at pumunta ako sa garden nila para lang makita ang mga bulaklak sa umaga. Nakaupo ako sa isang duyan at pinapanood siyang maghalaman. Hawak ko ang isang gumamela na pinutol ni Kuya Pio kanina.

"Nagbebenta po kasi ako ng pagkain sa school nila. Doon po kami nagkakilala." Paliwanag ko.

"Wow, ma'am! Anong pagkain?" Tanong niya.

"Mga cookies, Kuya. Mga dessert." Sabi ko, "Sayang pala at hindi ako nakapagdala. Hindi ko rin naman alam na..."

Hindi ko itinuloy ang sasabihin ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi naman talaga dapat si JL ang kasama ko dito sa Baguio.


"Sayang nga, ma'am." Sabi niya, "Magkaibigan lang po ba talaga kayo?"

I laughed, "Opo, Kuya."

I don't even know if this is friendship. We are not that close to call this friendship.

"Maswerte talaga ang makakatuluyan ni Sir JL, sobrang bait niyan eh." That's new. I never saw Juan Luis as a very kind person but I guess there's really more to him than what people knows.

"Mana po kasi kay Ma'am Given." Sabi niya, "Alam niyo po ba na sobrang bait ng pamilya nila? Kaya kung sino man ang mahalin ni Sir, talagang jackpot. Mababait sila."


Good for her... kung sino man siya. Halos matawa ako sa iniisip ko.

I just feel like it's a bit impossible for Juan Luis to fall in love easily. Mahilig pa siyang maglaro.



"What's that in your ear?" Tanong ni Juan Luis. Nakasalubong ko siya papasok sa loob ng bahay. Kakagising niya lang at magulo pa ang buhok.

I immediately removed the flower tucked behind my ear. Nakalimutan kong doon ko pala nilagay ang gumamela na hawak ko kanina.






"Wala, gumamela," Sagot ko.


"Saan tayo pupunta ulit?" Tanong niya at humikab pa.



"Inaantok ka pa yata." Sabi ko.



"Nah, nakakaantok lang talaga panahon." He answered, ibinagsak niya ang katawan sa sofa at muling humikab. Maaga naman siyang natulog kumpara sa akin. Anong oras na kasi akong nakatulog dahil sa kakaisip sa mga bagay-bagay.





The Ruins of WinterWhere stories live. Discover now