Chapter 15

9.7K 512 1.4K
                                    

Chapter 15





"Saan ka galing?" Si JL ang bumungad sa akin pagpasok ko ng condo. My lips parted. Akala ko ay magtatagal siya sa noche buena nila. But he's here.

"Oh, bakit nandito ka na?" Tanong ko. Hindi sinagot ang tanong niya.

"The party is over..." He said, "And I want to bring you somewhere."

"Huh? Saan naman yan?" Tanong ko.

"Let's go," He chuckled. Taking my hand. Natawa rin ako at nagpatianod sa paglakad niya.

Mahigpit ang hawak ni Juan Luis sa aking mga kamay. When we reached the parking lot, he took out his car keys and pressed something. My lips parted when I saw a new car. BMW pero iba sa naunang kotse na naibangga niya. This one is white. Sobrang kinis at halatang bago pa.

"Ano yan? Bago?" I chuckled.

He nodded and raised a brow at me, "Yup," binitawan ni Juan Luis ang kamay ko upang pagbuksan ako ng pinto sa shotgun seat, I chuckled when he gestured.

Nang makapasok na ako sa loob ay umikot na siya pabalik sa driver's seat. I looked around. This car is so sexy but it looks sexier watching him drive this. There's something about Juan Luis whenever he's handling things. He's fucking hot and the fact that I'm the one sitting on the shutgon seat of his car makes him hotter.


"Stop staring. Baka isipin kong gusto mo rin ako," He said. Umiwas ako ng tingin. Juan Luis laughed. Hindi ko pinansin ang salitang ginamit niya, I don't want to entertain the thought.

Nagsimulang magmaneho si Juan Luis pagkatapos ayusin ang lahat sa loob ng kotse. The drive was so smooth and I enjoyed it so much. Gabi na rin kasi at wala na masyadong sasakyan sa daan. It's already christmas in two hours and therefore, everyone is already staying at home with their families.

Noong hindi ko pa nakikilala si Juan Luis, nasa kwarto lang ako habang nagkakasiyahan sila Papa. Hindi ko lang talaga kayang makipagplastikan sa madrasta ko at sa anak niya. Kaya palagi, tinitiis kong maging mag-isa. It's been years... ganito pala ang pakiramdam na kahit paano ay may kasama ka sa pasko. Nakakatakot namang masanay.

"Anong lugar 'to?"

Narealize ko lang na nakalabas na kami ng NCR noong nakita ko ang arko na sasalubong papasok ng San Fernando, Pampanga. Hindi ko alam kung ano ang balak ni Juan Luis, lalo na ng huminto siya sa tapat ng isang malaking palayan na may kubo sa gitna.

"My favorite place." He chuckled before going out. Binuksan ko rin ang pinto at hindi na hinintay pang pagbuksan ni JL.

"Juan Luis!" Napatingin ako sa tumawag sa kanya. Hindi kalayuan sa amin ay may nagvivideoke at nagkakasiyahan na mga tao, tingin ko'y mga naninirahan at nagtatrabaho dito.

"Kuya Rod..." Bati ni JL sa tumawag sa kanyang lalaki. He chuckled and shook hands with the guy, "Merry Christmas po!"

"Kuya JL!" After that, a group of kids enthusiastically welcomed and came to him. I hugged myself from the cold while watching him. Nag squat si JL upang mayakap ang isang maliit na batang babae na may suot na santa hat.

"Kuya, ano ang regalo mo sa amin?" Tanong ng bata.

"Huy, Ikay, huwag kang manghingi ng kung ano-ano kay Sir JL!" Sabi ng isang babae na naglalakad palapit sa kanya, "Pasensya ka na. Maligayang pasko, Sir!"

"Ate Ena, okay lang po. May dala talaga ako." He chuckled, "Pinapabigay nila mommy at daddy. They apologize daw po na hindi sila makakabisita bago matapos ang taon. Mom just needs to rest because the doctor told her so after slipping in the bathroom. Hindi makabiyahe ng masyadong malayo..."

The Ruins of WinterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora