Chapter 5

9.7K 478 2.1K
                                    

Chapter 5










"Baliw ka na ba?"









"Ako pa ang baliw? Eh ikaw nga ay may gustong tumuloy sa Baguio mag-isa!" Sagot niya sa akin, "Move!" Umusod ako sa may bintana ng bus para paupuin siya.







"Yung kotse mo!" Sabi ko sa kanya, "Bakit mo iiwan!"








"I called Tain to pick it up." He told me.










"Tain? Tain?!" Tanong ko.







"Ah, kilala mo si Tain?" He scoffed, "Ah, ateneans nga pala! Huwag ka na don, may ibang gusto yon..."







"Juan Luis..." I sighed, "Seryoso ka ba? Bumaba ka na, please. You don't even have any clothes to change. I'll stay there for three days!"







"'E di bumili!" Sagot niya, "Don't make non-existing problems."


I sighed. Okay, siya na ang mayaman. Sinasabi ko lang naman. Baka kasi pagdating doon ay siya rin ang mamroblema.




"We have a vacation house in Baguio." Juan Luis said, "Doon na lang tayo so we can save money..."





"Pwede ka don. Maghohotel ako." Sabi ko sa kanya. He looked at me, pissed, "What? Bahay mo naman yun. Edi doon ka magstay. Ayoko na ng utang na loob."




"Gaano ba kataas pride mo?" Umirap siya, "Sabagay, kay Tyrone ka lang naman walang pride."




May pumasok na nagbebenta ng pagkain sa bus at bumili siya kaya natigil ang pag-uusap naming dalawa. Maya-maya pa ay nagsimula nang umandar ang bus na sinasakyan namin. Hindi puno dahil siguro, ito na ang huling biyahe sa araw na ito at mas gusto ng mga tao na bumiyahe ng maaga.






Gusto ko rin na bumabiyahe ng maaga. Pinili ko lang naman ang oras na ito dahil sa kanya, dahil ganito daw dapat. All of my decisions, it's either just for me or for him. Kaya hindi ko na naman maiwasang umiyak habang nakatingin sa labas.





Maiintindihan ko naman eh.

He can always tell me if he can't go or he's not available. He can always tell me if he doesn't want to go and I will still understand. Palagi akong iintindi. Kaya ano ang mahirap sa isang simpleng text para sabihin na hindi siya makakapunta?




"The dinner we attended earlier is a business meeting of our parents." Nagsalita si Juan Luis sa gitna ng biyahe, "Wala talaga akong pake, naalala ko lang bigla na dapat ay aalis nga pala kayo ngayon so I texted you..."





"Okay." Sagot ko.




"He's having the time of his life over there." Dugtong niya.



"I get it." Sagot ko at nilingon siya, puno ng luha ang mga mata, "Now, please shut up. Matulog ka na lang siguro or what. Kung ano man gusto mong gawin. Just stop rubbing it to my face anymore."





"You hate it when I say this because you know how true it is." Juan Luis said.



Hindi na ako kumibo sa kanya.

Halos apat na oras ang biyahe galing Maynila papuntang Baguio. Alam ko dahil nagresearch ako. Kaya makakarating kami doon ng ala una ng umaga. Wala namang traffic kapag ganitong oras na kaya sana ay mas maikli ang biyahe.



The Ruins of WinterWhere stories live. Discover now