Chapter 14

9K 448 2.6K
                                    

Chapter 14








"But how can she explain the necklace in her bag?" Tanong ni Monique. Nanatili ang mga mata ko sa palad. I cannot look at them. I know that I'm not guilty but I can't look at them because I feel so... small. I feel so inferior compared to them. Lahat sila, sigurado na agad na ako ang nagnakaw dahil hindi ko sila kapareho ng estado sa buhay.

"Miss Constancia," Tawag ng police, "There's no other people beside Monique na hindi umalis doon aside from you. And it's clear that this is the jade necklace,"

"Hindi ko po talaga alam kung bakit nandiyan sa bag ko ang kwintas." Kanina ko pa ito sinasabi. Paulit-ulit lang ako dahil iyon naman ang totoo. Hindi naman talaga sila nakikinig. Hindi nila gustong patunayan na inosente ako, gusto nilang patunayan na tama ang hinala nila sa akin.

"How about the ticket?" Nagulat ako nang pumasok ang isang eleganteng babae sa loob ng kwarto. Lalo akong nanliit nang makita ang mga mapanghusgang mata ni Odette Salvatorre. I grasped at my dress tightly. I want to run away from here. I want to leave.

"Mrs. Salvatorre!" Bati ng chief sa kanya, "Sisiguraduhin po namin na gagawin namin ang lahat upang mapanagutan ng batang ito ang mga kasalanan niya. Pasensya na po at hindi namin naayos ang event ni Miss Savannah kanina–"

"Wala akong ninakaw." I firmly said. All of them looked at me, "Wala akong ninakaw, Mrs. Salvatorre. At ang ticket po na sinasabi niyo ay bigay lang sa akin. Hindi ko alam na peke iyon at hindi ko alam kung bakit... ganoon... ang binigay sa akin..."

"Nasaan ba ang mga magulang mo, neng?" Tanong ng pulis, "Alam ba ng nanay mo ang mga ginagawa mo, ha? Hindi mo ba kilala si–"

I scoffed at stood up, "Mawalang galang na po pero ilang beses ko bang sasabihin na wala akong ninakaw? Hindi ko alam kung bakit nasa bag ko ang kwintas na yan! Ni hindi ko nga kilala ang mga yan! Umupo ako doon dahil doon lang may upuan! Bakit po ba ayaw niyong maniwala sa akin?"

"Chief, please investigate properly." Odette Salvatorre... is insulting. She insulted me with her calmness and elegance. She insulted me with her apathy. Iyon lang ang masasabi niya matapos niyang marinig ang mga sinabi ko?

I am disgusted. I feel so sorry for my mother. She probably doesn't know me and I can settle with that. Pero hindi ko akalain na ganito ang ugali ng kaibigan ni Mama.

"Wala akong ninakaw, Mrs. Salvatorre." Ulit ko. She looked at me from head to toe. And once again, I was dumbfounded by her.

"You prove it to the police, hija. Not to me." She simply stated, "If you did something wrong, you take responsibility for it."

"Well, I'm telling you." Sagot ko, "Wala akong ginagawang mali."

"Huwag mong bastusin si Mrs. Salvatorre, Constancia. Umupo ka diyan," Sabi noong isa pang pulis, "Ito ang hirap kapag walang magulang ang mga kabataan eh..."

I snapped my head to the asshole. Kumuyom ang kamao ko sa galit. Loathe went through my system, I scoffed, "Kung mga katulad niyo lang rin naman ang magiging magulang ko, huwag na lang."

"Ano?!"

"Pinalaki ako ng tama!" Sigaw ko, "Kahit na wala sila sa tabi ko, alam ko kung ano ang ginagawa ko. Alam ko kung ano ang tama at mali. Kanina ko pa sinasabi na wala akong ninakaw dahil wala naman talaga! Ayaw niyo lang makinig kahit na halata naman ang katotohanan dahil ayaw niyong mapahiya sa mga pamilyang 'to!"

Tumulo ang luha ko.

"I'm so sorry, Mrs. Salvatorre. But my mother taught me to not let anyone look down on me. She taught me that I don't have to respect people who doesn't respect me, no matter who they are." I told her.

The Ruins of WinterWhere stories live. Discover now