Chapter 39

8K 369 2.5K
                                    

Chapter 39





"Gumising ka na. Nasa ibaba ang mga Ortega."



Pagkatapos ng nangyari kagabi, dumiretso kami sa bahay ng mga magulang ni Tita Yolly. Halos wala akong tulog. Pinatay ko ang cellphone na dala. Hindi ko alam kung paano haharapin ang panibagong araw na ito. Hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag. Alam kong maraming tanong si Papa na hindi niya pa magawang sabihin, at ngayon ay nandito pa ang mga Ortega.



"Hindi kita pipilitin na magpaliwanag sa akin, Erys. Pero kung hindi ka pa handang makipag-usap sa mga Ortega, sabihin mo at sasabihin ko sa kanilang umalis muna." my father said.



Umiling ako at tinignan ang natutulog pang si Ice, "Mag-aayos lang po ako at kakausapin ko sila."



"Erys..." nilingon ko si Papa, "Do what your heart wants."



"But what if it's wrong?" I asked him, "What if it's not rational to choose your heart this time? What if there are things that matter more than the matters of the heart?"



Papa gave me a small smile, "You grew up well, Daenerys. Your mother would be so proud."



Did I really? After countless failures, he still thinks that I grew up well? After so many stupid decisions, he still thinks that way? Minsan, napapaisip ako kung napapailing na lang ba si Mama sa mga desisyon ko sa buhay. Pero nandito si Papa, at sa kabila ng lahat, sinasabi niya sa aking maayos akong lumaki.



Bumaba ako pagkatapos mag-ayos ng sarili. Nagkukwentuhan sila Papa at ang mga magulang ni Yuri habang pababa ako ng hagdan.



"Daezion is UP Maroons' star player, Cy." narinig ko si Atty. Ortega, "We all wondered why you gave up PBA because all of us believed that you will be one of the best basketball players in the country. But, I guess, growing up requires decisions that we really don't want to do, but still chose to do so."



"Tama, Attorney." sagot ni Papa, "I worked hard for my basketball career. I prepared for it my whole life. Never once thought of giving it up but there are just bigger dreams... that you'll find... sa iba't ibang pagkakataon ng buhay mo."




"I agree, Tito."



Yuri is here. Nang magsalita siya ay doon ko pa lang nakumpirma. Dire-diretso na akong bumaba. Napatingin silang lahat sa akin nang makita ako. Nagkatinginan kami ni Yuri. He stood up. Pero mas naunang tumayo ang Mama niya at lumapit sa akin.



"Mom..." Yuri called.



Hinarap ko ang nanay niya.



"I'm so sorry for what Nicholas did last night, my dear," it is an understatement when I say that I am shocked. Hinawakan ng nanay ni Yuri ang kamay ko bago ako binigyan ng isang ngiti. Umupo na kami pagkatapos non. Tumabi ako kay Papa dahil mas komportable ako doon. Umiwas agad ako ng tingin kay Yuri.



"Where's Ice?" he asked.



"He's still sleeping." agad kong sagot. Tumango si Yuri sa akin.



"We won't force you or anything to do something, Ms. Constancia." sabi ng isang kasama nila, tingin ko'y kuya ito ni Yuri, "I'm Yriel, Yuri's brother. We just came here early in the morning to apologize for what happened last night. Alam namin na baka nagulat ka at baka makasama iyon sa bata. We apologize for Yuri's behavior."



Umiling ako sa kanya, "Naiintindihan ko po."



"Do you need anything? Or si Ice?" Yuri's mother asked, "Huwag kayong mahiya na sabihin sa amin kung may kailangan kayo."



The Ruins of WinterWhere stories live. Discover now