Chapter 36

9.2K 471 1.8K
                                    

Chapter 36










"Lolo, kailan po kayo pupunta dito?"


"Malapit na Isaiah. Sa susunod na linggo. Tignan mo oh! May mga ticket na kami para sa eroplano,"



Tanghaling tapat ay nag-uusap si Isaiah at si Papa sa video call. Ngayon lang sila nakapag-usap ng ganito katagal mula noong operasyon ni Ice kaya medyo sabik sa isa't isa. Isang oras na yata silang magkausap.

Gusto ko na rin na makapunta sila dito. I have so many things to tell them. And I want them to know Yuri first before Isaiah does.


Maybe out of respect, but Papa and Tita never forced me to answer about the father of my son. Kahit na marami silang tanong, hindi nila ako pinilit na hanapin ang tatay ni Isaiah. At first, I know that they thought that its Juan Luis dahil si JL lang naman ang kilala nila noon.


"Good afternoon, Ice!" napalingon kami ni Ice kay Dr. Vazquez na kakapasok lang sa kwarto. I smiled and stood up from the sofa kung saan ako nagtitiklop ng damit ngayon, "Oh! You have a call!"


"Good afternoon po!" bati ko sa kanya.


He smiled at me, "He's doing so great. Can I check him up right now? Or pupwede namang mamaya kung may kausap pa, I just want to check something..."


"Nako, Doc! Okay lang po!" sabi ko at lumapit kay Ice na hawak ang cellphone upang magpakita kay Papa sa video call, "Pa, ichecheck lang po ni Dr. Vazquez si Isaiah. Tatawag po ulit kami mamaya."



"Bakit? May problema ba?" tanong ng Papa ko.


I chuckled and smiled, umiling ako agad, "Wala po. Ichecheck lang. Tatawag po ulit kami mamaya..."


Tumango si Papa, "Mabuti naman... mauna na kami, apo. Magpakabait ka kay Mama at Tito. Malapit na kaming umuwi diyan kaya sabihin mo kay Mama ang gusto mong regalo para masabi rin niya sa amin, ha?"


"Opo!" Ice waved his hand, "Bye, Lolo! I love you!"


"I love you!"

Ibinaba ko ang tawag pagkatapos kong kumaway. Doon pa lang lumapit si Doc Ivo at ang nurse na kasama niya kay Isaiah. He listened to his heart and checked his vitals again before smiling at me. Sa tuwing chinecheck ang kalagayan ni Isaiah, kahit na alam ko namang walang mali, ay kinakabahan pa rin ako. Siguro ay hindi na iyon mawawala sa akin.



"Isaiah can go home in three days, Erys."



Napatigil ako at nanatili ang tingin kay Doc Ivo. My lips parted. As if its a cue, my eyes started watering with tears. I looked at my son before hugging him in my arms.

Dr. Vazquez smiled at me, "Wala na siyang rason para manatili dito but to make sure, I'll still give an allowance of three days before making him go home."



"Salamat po..." muntik nang manginig ang boses ko. I cupped Isaiah's face and kissed his forehead before looking at him, "Uuwi na tayo, Ice. Okay ka na... okay ka na sabi ni Doc..."




Nilingon ng anak ko si Dr. Vazquez, "Talaga po? Wala na pong injection?"



Dr. Ivo nodded, "No more hospital beds and gowns. No more hospital foods. No more injections. But is it okay if you visit me once in a while, Ice? So I can still listen your heart." he looked at me, "I'll still message for appointments. Dapat continuous pa rin ang check up kahit isang beses sa isang buwan."



Tumango ako, "Opo. Salamat po, Doc."



Kinaya nga namin lahat. Ano pa kaya ang pagpunta sa ospital ng isang beses sa isang buwan? That's literally nothing to me. Mananatili ako dito at babalik kami kahit isang beses sa isang taon para lang masigurong maayos na talaga ang kalagayan ni Ice.



The Ruins of WinterWhere stories live. Discover now