Chapter 21

9.3K 478 1.4K
                                    

Chapter 21







"Mama..."

Huminto ako sa pag-aayos ng lamesa para sa hapunan at tinignan si Ice. Hawak niya ang isang bond paper at mga pangkulay. His eyes are hesitant and scared. His eyes are confused as well.

"Mama, ano pong itsura niya?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko, hindi maintindihan kung ano ang itinatanong.

"Huh? Sino?" Tanong ko, "Assignment mo ba iyan?"

Tumango siya, "Opo. Ipapasa po bukas. Sabi po ni teacher, idrawing daw po namin ang pamilya namin... nakita ko po ang gawa nila Janjan... k-kompleto sila... tapos..."

"Ano ang tinatanong mo?" Tanong ko sa kanya at naglagay ng kutsara't tindor sa mga pinggan.

"Si Papa..."


Napahinto ako, "Ice..."


"Bakit sila... kasama nila Papa nila?" He asked, "Hindi po ba ako mahal ni Papa? Kaya hindi natin siya kasama? Iyon po ang sinasabi nila sa akin sa school... na hindi ako mahal ni Papa..."

Nagsquat ako upang maabot siya. When our eyes met, I saw how much he struggles to stop his tears, "Ako, mahal kita. Kahit wala si Papa, nandito naman palagi si Mama 'di ba? Kahit wala kang Papa, nandito naman si Lolo... si Lola Yolly... 'di ba?"


It's not enough, I know that. Walang kahit na sino sa amin ang makakapantay sa pagkawala ng isang father figure sa buhay ni Isaiah. Pero ano bang magagawa ko? The only thing I can do is give the love I can give. Magtrabaho para sa amin para hindi niya maramdaman na mahirap ang buhay. That's the only thing I can do.


"Panik ka na. Tawagin mo sila, sabihin mo, kakain na ng hapunan." I smiled at him. Dahan-dahan na tumango ang anak ko at tumalikod mula sa akin. Pinanood ko ang paglalakad niya hanggang sa pagpanik niya sa taas bago huminga ng malalim.


Hindi ako pwedeng mapagod. Hindi pwede.


When I left Manila, hindi talaga namin alam nila Papa kung saan kami magsisimula o kung paano. When I told my father that I am pregnant until now, he never asked who the father is. Ang alam niya lang, wala na iyon sa buhay namin ni Ice.


"Papa, buntis po ako..." Napahinto sila ni Tita habang kumakain ng hapunan. My tears fell, "Tama ka, Pa... tama kayo... I will fail... I will end up as a failure, no matter what I do... I'm sorry, Pa..."



Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit umasa pa akong magiging maayos ang buhay ko. Siguro dahil palagi naman nila sinasabing libre lang ang mangarap. I really thought that I will be successful and I can achieve my dreams when I am this reckless and stupid? Tangina. I will always end up like this... a loser...



"Erys..." Tawag ni Papa sa malumanay na boses.



"Dapat nakinig na lang ako na ang mga katulad ko, walang mararating." I sobbed, "Pasensya na po... sa lahat ng nasabi ko noon... ngayon alam ko na... aalis na rin po ako... hindi na ako magtatagal dito..."


"Tapos? Saan ka pupunta? Ha?" Tanong ni Tita. I kept sobbing. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung saan. Balak ko lang pumunta sa terminal at maghanap kung saan may malayong biyahe. Iyong hindi iisipin ng kahit na sino na doon ako pupunta. Iyong walang makakakita sa akin.


"Erys, pwede naman na dito ka lang..." Sabi ni Papa.

Umiling ako.

Ayokong manatili dito. Ayokong manatili sa lugar na alam kong palagi kong makakasalubong ang mga taong dapat ay mawala na sa buhay ko. Ayokong mabuhay sa ganitong mundo ang batang nasa sinapupunan ko. We will live far away, far from the chaos of this City. We will far away from my dreams so he could built his own. We will live far away from the love I know so I can love him unconditionally, despite it all.


The Ruins of WinterWhere stories live. Discover now