Chapter 42

9.9K 480 1.6K
                                    

tw // death, burial

Chapter 42









The Hernandez garden is beautiful.


Filled with lights, and different flowers, it was supposed to be a place of celebration-- it usually is. But today, there is no reason to celebrate. There will be no feasts and music. Today, it will only be misery, agony, and regret mixed into one. This beautiful garden doesn't have a choice but to carry the weight of our grief.


We waited. We don't have a choice.


Pero ang bawat minuto na natatapos at pumapatak sa mga orasan namin ay bagong paraan ng pagtitiis. Bagong aral sa buhay? I don't think so. It's just the world being unfair to us. It's just the world playing with us. It's just the world giving me all the karma I deserved.


I am convinced now. Ang lahat nang ito ay kasalanan ko. Ang lahat nang ito ay nangyayari dahil sa akin. Dahil makasarili ako, noon pa man. Dahil ginago ko ang kaibigan ko at hinayaan kong mangyari ang mga nangyari noon. Dahil hindi ako naniwala kay Juan Luis. Dahil nagalit ako kay Mama. Dahil hindi ako naging mabuting anak. Kasalanan ko ang lahat ng ito.


I tried to blame it on other people. But it will all boil down to one person-- me.  Nandito ako ngayon dahil sa mga desisyon ko. Nandito silang lahat ngayon, nadadamay, dahil sa akin. I am the antagonist of this story, wanting to be the protagonist so bad. This is all my fault.





This is your fault, Erys.





The tiny coffin in the middle of the garden looked so lonely. At hindi ako makapaniwala na anak ko ang nandoon. Isaiah, my son. The one I fought for. I did my best. Hindi ako ang pinakamagaling na ina sa buong mundo pero inilaban ko ang anak ko, kahit na kinailangan kong manglimos sa mga taong hindi ko kilala. Kahit na kinailangan kong lunukin ang natitirang pagmamalaki sa sarili.





Wala pang tulog ang lahat simula kagabi, nang bawian ng buhay si Isaiah. Ako, I haven't slept for two days ever since we went back to the hospital. Pero kahit isang segundo, hindi ko nararamdaman ang pagod ng katawan. Hindi ako inaantok. God, I am not even thirsty. I don't even feel hunger washing through me. I am not living. The moment he took his last breath, I died with him.




Hindi ko kayang uminom ng tubig at lumunok ng pagkain, habang ang anak ko ay tuluyan nang nalamon ng sakit niya. Wala akong karapatan. Wala akong karapatan na mabuhay pagkatapos nito. This is my fault. Everything is my fault. Because I am selfish, because I am a fool. And Isaiah doesn't deserve a mother like me, he truly deserves better.


I feel so sorry for my son because I am his mother.





"JL, kumain ka na. Sinabi mong kakain ka na," Tito Elian talked to his son.





Umayos ng upo si Juan Luis bago huminga ng malalim at tumayo. His eyes-- all of us-- are swollen. Nilagpasan niya ako nang hindi tinitignan. Mariin kong ipinikit ang mga mata paglagpas ni Luis sa akin. My tears fell.


Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam. Kasalanan ko. Kasalanan ko na hindi nila nakasama ang isa't isa bilang mag-ama. Kasalanan ko ang lahat nang ito. Bakit hindi ko sila tinitigan at pinagmasdan habang magkasama? Why did I not listen to him, and to what he feels? Why did I let him accept a conclusion that I am not happy with? Why did I just waited for a miracle when its not even true?





Juan Luis turning out to be Isaiah's father at his last moments is not a miracle. It's a curse. Isang parusa ng langit. At muli, dahil sa mga kasalanan ko. Putangina. Sana ay inipon na lang nila ang lahat ng kasalanan ko at hinayaan akong pagdusahan ang mga iyon sa impyerno. I can walk through fire, I can drown all over again, I can die a thousand times, but I cannot bear to see Isaiah in that coffin, lifeless.





The Ruins of WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon