1

23.9K 561 287
                                    


Laine's P.O.V :

Kasalukuyan kaming nakatungo ng bestfriend ko na si Allysa habang pinapagalitan ng Manager namin, paano ay late nanaman kami!

"Kung hindi niyo kayang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral, huwag na kayong mag trabaho! mahirap ang Pilipinas, marami ang nagugutom, at marami ang nag hahanap ng trabaho kaya umayos kayong dalawa ha!" sigaw sa amin ng Manager namin. ngayong araw kasi ang Final Exam namin, Graduating students from La Salle.

"S-Sorry Ma'am, hindi na po kami malelate ulit" nakatungo pa ring usal ko.

"Aba dapat lang, nakakailang sorry na kayo sa akin pero ito na ang huli tandaan niyo!" asik niya pa bago lumabas. nag make face si Allysa nang tumalikod si Ma'am Weng sa amin.

"Arte arte kaya walang nanliligaw" bulong ni Ally sa akin.

"Hayaan mo na, late naman kasi talaga tayo tsaka ikaw pwede ka namang hindi mag trabaho, mayaman ka naman, parents mo stable ang buhay sa states at may business pa. Ate mo may ari ng Hospital tapos yung isa mo pang Ate C.E.O ng cosmetic products, yung Kuya mo may-ari ng school. Oh diba? pinapahirapan mo lang ang sarili mo Teh" usal ko habang naghuhugas kami ng pinggan.

"Ayaw mo ba akong kasama?" tila naiiyak niyang aniya.

"H-Hindi naman sa ganon--"

"Pero parang ganon na nga?" aniya, naluluha na.

"Huy, ano ka ba!" dali dali kong tinanggal ang gloves ko at niyakap siya. "Syempre hindi! masaya nga ako kasi nandito ka sa tabi ko mula pa noong high school tayo, diba? ang sa akin lang baka nahihirapan ka na kasi" usal ko.

Umiiyak na talaga si Allysa. "Eh mas gusto kong mahirapan kung nahihirapan ka, gusto kong malungkot kapag nalulungkot ka gusto ko maging masaya kapag masaya ka! Best friend kita Laine!" singhal niya habang humahagulgol.

"S-Sorry" naiusal ko at ngumiti siya bigla.

"Okay lang hehe" kinilabutan ako dahil para siyang baliw.

Pero nakalimutan ko na inborn na siyang ganito, alam kong mahal na mahal ako nitong Bestfriend ko at ganoon rin siya sa akin.

Nag trabaho lang kami ng gabing iyon at na assign ako sa drive thru.

"One order of Spaghetti, two orders of Chicken with rice, and two--" someone cut him off.

"Make it three" sambit ng kasama niya.

"Okay, and three sundae" usal ng customer. may accent ang customer na iyon.

"Okay I'll repeat Sir, One spaghetti, two chicken with rice and three sundaes" pag-uulit ko.

"Yes"

"That costs exactly 300 pesos" sambit ko pa.

"Okay"

Agad kong pinrepare ang order niya at mabilis naman iyong na prepare at iniabot na sa kaniya. Nang buksan niya ang bintana ng kotse ay natulala kami sa isa't isa. Ang pogi!

"H-Here's your order Sir" I smiled when I about to give his order. he looks at my name plate.

"Thank you Lanie" nakangiti niyang tugon bago iabot ang 300 cash.

"Uh, Sir it's Laine not Lanie" pagtatama ko, nakangiti pa rin.

"Oh, okay okay. Thank you Laine!" aniya.

"Thank you Sir, enjoy your order!" usal ko bago niya isara ang bintana at umalis. ano kayang pangalan ni Sir? ang gwapo niya talaga.

Nagtrabaho pa kami ni Allysa hanggang 9 P.M at nag jeep kami pauwi sa Condo, na siyang tinutuluyan namin. medyo malayo kasi.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon