50

10K 280 449
                                    

--

"You had a bad dream?" Sandro asked pero umiling ako kaagad, at tinignan niya ang phone niya. "Damn it's 3 A.M, let's sleep again" aniya at tumango ako. lumunok muna ako bago muling pilitin na matulog.

Sign ba yon? kasi kahit namatay si Lola ay nagpatuloy si mama para sa akin, ngunit sino ang dahilan ko? w-wala naman akong anak. dali dali akong tumayo para sumuka ulit sa banyo. NAPAPADALAS NA 'TO!

Nahihilo akong bumalik sa higaan. "Shit" bulong ko habang nakahawak sa ulo ko. pinilit kong matulog kaya't yumakap nalang ako kay Sandro.

"You look pale, what's wrong?" usal ni Sandro, gumising ako na may breakfast in bed. "Good Morning" he kissed my forehead.

"G-Good Morning" bati ko at nagtungo sa banyo upang maghilamos.

"Kumain ka na, last day na ito ni Tita." usal niya.

"K-Kumain ka na din" sambit ko at medyo umiikot pa ang paningin.

"Hey you feel dizzy?" he asked at tumango ako.

"You should wear your eyeglasses!" asik niya. "Wear it later okay?" aniya at tumango ako.

"Kain na" pang-aaya ko at sinabayan niya akong kumain. "There's an invitation for an interview Sandro, accept ko ba?"I asked him habang chinecheck ang emails.

"No, decline that. you need me" tugon niya at mapait na ngumiti. tahimik na ulit kaming kumain hanggang sa maligo.

Allysa was already sleeping, at inasikaso ko ang ilang mga napunta sa burol ni mama. minu minuto ko siyang tinititigan dahil bukas na ang huli naming pagkikita.

"Pupunta sila dito Laine" usal ni Sandro. gabi na, huling lamay na ni mama kaya't marami ang nandito sa ngayon.

"Nakakahiya naman, baka naabala ko pa sil--"

"Laine, we are family. they consider you as one" Sandro cut me off. we talk about other things hanggang sa dumating ang kaibigan ni Mama sa dubai.

"Condolences hija" bati ni Salvacion Morayta. "Heto ang mga naiwang papeles ng mama mo. ayan ang mga naipon niya para sa future mo, milliones na yan at sana makatulong...buti nalang at nahanap ko" sambit niya at naluha ako agad, I hug her.

"Salamat po. sa pagbabantay kay mama habang wala po ako, sa pagtulong po sa akin, sa amin maraming maraming salamat po!" sambit ko. hinaplos niya ang likod ko.

"Walang ibang ginusto si Laila kundi ang kabutihan mo Laine, ingatan mo ang sarili mo ah?" she held my hand at natigilan. "T-Teka" pinakiramdaman niya ang pulso ko at agad ko iyong binawi. "N-Nagdadalang tao ka ba?" bulong niya at kinilabutan ako.

Agad akong umiling na para bang tumanggi sa isang kasalanan. "H-Hindi po, p-pagod lang" pag-iling ko.

Bumuntong hininga ang babae. "Buntis ka hija, nako matutuwa si Laila nito! pangarap na niyang magka apo kaso...hindi niya naabutan" bulong niya. "Ingatan mo ang bata Laine, biyaya ng diyos sa'yo yan para magpatuloy pa..." sambit pa niya at lumunok lang ako ng lumunok.

"H-Hindi po, hindi po ako buntis" pagtanggi ko.

"Hija maniwal--" natigilan kami pareho nang makita naming pumasok si Simon. he's wearing a white polo shirt and pants, he's with Vinny na may kasamang babae. "Sige na, pumunta ka na muna sa kanila" sambit ni Salvacion at nagpaalam ako dito.

"Condolences Laine" bungad nila sa akin at may inilagay na bulaklak doon.

"S-Salamat, ang layo ng binyahe niyo" sambit ko at pinaupo sila.

"It's fine, we're here para makiramay" sambit ni Vinny. tinitignan ko ang babae kaso mukhang introvert siya kaya't pilit lang itong ngumingiti sa akin at ngumingiti din ako dito.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon