47

9.2K 311 860
                                    

--

"K-Kumusta? napanood ko yung hearing, ang galing mo...natameme silang lahat" I called Sandro after the hearing.

"They look more nervous than me though" sagot niya.

"Nakita ko nga. kumain ka pagkauwi mo ah? gusto mo bang samahan kita dyan? i-ipagluto kita, gusto mo?" I asked.

He sighed. "Much better if you'll stay beside you mama nalang Laine, I can cook naman. ikaw? kumain ka din" tugon niya.

"Oo naman. may hearing ba ulit?" I asked.

"Yeah, I don't know when but can I go there tomorrow?" he asked.

"Kapag wala kang hearing bukas sige, pero kung meron magpahinga ka nalang" sagot ko.

"I missed you" bulong niya.

"I missed you more" tugon ko.

"I badly wanna wrap my arms on you babe," aniya.

"I badly want to do the same to you" tugon ko.

"Hep, hep, tama na landian kain muna" si Allysa. kakabili lang sa labas.

"Wait lang Sandro, tatawag ulit ako pagkatapos namin kumain" usal ko.

"Alright, eatwell babe" aniya at ibinaba ko na ang tawag.

"Ansabi ng jowa mo?" tanong ni Allysa.

"Ayon, diba halata naman kanina" sagot ko.

"Na mas kinakabahan yung mga nagtatanong kaysa sa kaniya? gagi totoo naman, kulang na nga lang tawanan sila don ni Sandro! nako kung nandon tayo hahagalpak ako ng tawa" aniya, nagkukwentuhan lang kami habang kumakain.

Ilang araw ang lumipas at halos isang linggo na kami dito sa ospital. napapansin kong mas nanghihina si Mama pero pinapalakas ko pa rin ang loob naming dalawa. Sandro was still busy attending the hearing, pero nauwi ako minsan kapag okay si Mama. kung kailan naging okay kami ay tsaka ko nalaman na ganito pala ang sitwasyon ni Mama, sana lang talaga ay bumalik na sa dati ang lahat.

"A-Ang ganda anak!" kumento ni mama ng ipakita ko ang litrato ng bahay na ipinagawa ko.

"Dito tayo titira mama pagkalabas natin" usal ko, at naluha siya. "Mama, bakit?" I asked.

"Baka hindi ko na kasi abutan na tumira diyan" usal niya. I wipe her tears.

"Maabutan mo" tugon ko. nagkuwento lang ako kay Mama ng ilang bagay dahil nagtatanong siya ng tungkol sa amin ni Sandro.

"Kailan niyo balak magpakasal?" tanong ni mama.

"Ma, wala pa sa plano namin yan..." sagot ko.

"Papanoorin ko nalang kayo mula sa taas anak" aniya.

"Mama naman eh!" asik ko naluluha na rin.

"Sige na anak, kuwentuhan mo pa si mama" usal niya at nagkuwento pa ako.

"Eh si Chase kumusta?" tanong niya.

"Ayon mabait na siya nasa amerika na" sagot ko.

"Nakakamiss rin ang batang yon kahit pasaway...pero mas gusto ko si Sandro sa'yo anak, mas makakabuti siya sa'yo" tugon ni mama.

"Alam ko po yun...mahal na mahal ko yan si Sandro, ma" saad ko habang inaalala ang mga memories namin. "Pasensya na ma wala siya dito ngayon kasi nasa...nasa--"

"Nasa hearing" she cut me off. "Nagkuwentuhan kami anak, sinabi niya sa akin" sambit ni mama.

"Mabait siya diba ma?" sambit ko habang nakangiti.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon