75

12.5K 579 1.1K
                                    

--

Nagkatinginan kami ni Chaser pero magkahalo ang emosyon ko. gusto kong umiyak pero wala na akong maibuhos na luha pero gusto ko ring matawa dahil sa itsura niya.

"W-Where did you saw him Sir?" Chaser asked.

"In departure area, right honey?" he asked his wife.

"Yeah, he looks so tired. hindi namin siya nakausap dahil nasa arrival kami" sambit ni Ma'am Elizabeth o Ma'am Lizzie, ang asawa ni Mr. Jaime Zobel.

I only hear one sound at tila nabingi ako sa narinig. Saan kaya siya nagpunta? sa London?

"N-Ngayon lang po ba?" I asked, dahil kung ngayon lang ay handa akong tumakbo patungo sa airport!

"Sad to say Ms. Hudson pero kanina pang umaga" tugon ni Mr. Jaza.

"Madaling araw yon Ms. Hudson, if I'm not mistaken" tugon naman ni Ma'am Elizabeth.

I literally trembled. my legs and hands started to shake. bakit ngayong handa na ako, tsaka naman naging ganito? should I blame Chase? or...should I blame myself?

"S-Salamat po Sir, tuloy po kayo susunod nalang kami ni Ms. Hudson" usal ni Chaser at nagpaalam pa ang mag asawa sa amin.

Napapikit ako dahil hindi ko alam ang gagawin. I sighed at napahawak sa ulo ko, "Chase pahingi nga ng number ni Sandro" sambit ko at ibinigay sa akin ni Chaser ang number niya.

"Hindi mo na yon marireach Laine, ako ngang tumawag kaninang umaga ay hindi na siya ma reach. for sure nasa eroplano na yon" aniya.

"Hindi!" asik ko at nanginginig na tinawagan ulit ang number ni Sandro.

"Laine, tara na pumasok na tayo" sambit niya.

"Hindi, Chaser" tugon ko at aligagang aligagang tinawagan si Sandro. hindi siya nagriring at paulit ulit lang ang binibigkas ng linya.

"Laine, tara na. sa loob nalang natin intayi--"

"Kung gusto mong pumasok mauna ka na! hihintayin ko si Sandro" asik ko at muling dinial ang number. "Sumagot ka naman..." bulong ko. tila baliw akong hindi mapakali sa kinatatayuan ko ngayon, nakatingin lang si Chase sa akin at ako'y walang pakealam don.

Si Sandro lang at si Lexia ang nasa isip ko ngayon. gustuhin ko mang sundan kung nasaan man siya ngayon ay hindi ko magagawa. una sa lahat ay hindi ko tiyak kung nasaan siya.

Grabeng karma na siguro 'to...ganito din kaya ang naranasan niya nung umalis ako? o mas grabe pa dito? pakiramdam ko kasi ay hindi na siya babalik dahil sa nakita niya.

Hindi ba sabi niya hindi siya magseselos? pero nakita niya kasi yung ginawa ni Chaser, at hindi niya ako pinakinggan nung nakita niya kami.

"Sandro sagutin mo ano ba!" asik ko at nagsimula nang lumuha. lagi nalang akong umiiyak araw araw. kailan kaya matatapos ang sakit na nararamdaman ko? mawawala pa kaya 'to?

"Laine the party is about to start" bulong no Chaser.

"Pumasok ka na kung gusto mo, hayaan mo nalang ako dito" sambit ko at pinagpatuloy ang ginagawa. inabutan niya ako ng panyo pero tinanggihan ko iyon.

"Sandro sagutin mo naman..." usal ko, at halos magdasal na sa libu libong Santo pero tila hindi padin dinidinig ang pakiusap ko.

Nagsisisi na ako dahil yung mga panahon na nandito siya sa tabi ko ay pinagtatabuyan ko siya, at nung mga panahon na magkasama kami na nagtatawanan ay malungkot ang anak ko at naghahanap ng pagmamahal niya.

Napakasama kong ina...

How the hell can I laugh with Sandro, when our daughter was crying and begging to see her father?

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon