2

14.4K 406 379
                                    

--

"Uh yeah, I mean its just my order" pag-uulit niya, rinig ko ang kantyaw ng mga kasama niya.

"Shit bro, grabe ang swabe ng moves mo!" pang-aasar nung isa niyang kasama.

"Okay, Sir that costs 50 pesos" tugon ko.

"Okay" aniya at pinrepare ko na ang order niya. saglit na saglit lang at iniabot ko na sa kaniya.

"Thank you Sir! have a safe trip" ingles na ang tinuran ko.

"Thank you Laine" aniya at umalis.

Napangiti ako nang ngumiti siya sa akin bago umalis. ano kayang pangalan niya? tsaka ko na itatanong.

"Sino iboboto mong Presidente?" rinig kong usapan sa loob ng kitchen.

"Yung magaling"

"Ayoko kay Leni, baka kapag may bagyo lugaw lang ipakain non sa atin"

"Lalo na kay Pacquiao nako, baka sapakin tayo non isa isa"

"Marcos, nalang ulit sabi kasi ng Lola ko nung panahon ni Marcos ayun yung panahon na mayaman ang pilipinas"

"Oo nga kay Marcos nalang tayo"

Usapan nila. oo nga pala, sa isang buwan ay botohan na. sino kayang iboboto namin ni Ally? matanong nga pag-uwi.

"Bongbong Marcos ako teh! nako, pinag-uusapan na namin yan sa family Gc namin kaya Marcos tayo ah!" usal niya at tumango naman ako.

Kinabukasan ay Linggo, walang pasok. nagsimba muna kami ng umaga bago maglinis ng condo at maglaba. kinahapunan ay pumasok na kami. I already assigned sa drive thru, ewan ko trip nila ako rito.

"One order of fries, and two sundaes please" iyong lalaki nanaman.

"Two sundaes and fries sir? "

"Yes"

"120 pesos Sir" usal ko at pinrepare na ang order niya. ganoon at normal lang ang nangyari, normal lang naman sigurong magka crush diba?

Inisip ko siya buong gabi kaya kinabukasan ay may eye bags ako.

"Bakla ano yan? panda ang peg? ngayon lalabas ang result teh, tapos next week Graduation na teh, anuna teh!" aniya, nakabihis na at prepare na ang breakfast.

"S-Sorry napaisip lang ng matindi" usal ko at kumain muna bago naligo.

"Sino ba iniisip mo?" tanong niya habang naglalakad kami papasok ng school.

"Marami" sagot ko. "Pero hindi kasali si Chaser"

"May crush ka na 'no?" nang-aasar ang mga tingin niya.

"Uh, crush na bang matatawag yung kinikilig ka kapag nabanat siya sa'yo at napapangiti ka kapag nakikita mo siya?" tanong ko.

"Oo naman! crush na ang tawag doon, teka sino ba yan? may ka text mate ka ba? nang hindi ko alam?! kailan mo pa ako niloloko Laine?!-- aray" aniya nang tulak ko siya.

"Hahahahaha! sorry, ikaw eh ang arte mo" usal ko.

"Sus, nagtatanong lang eh" aniya at umarteng nagmamaldita.

"Hahahaha wala, si ano lang yung sa--"

"Si drive thru boy!" inunahan niya na ako.

"Oo" sagot ko.

"Sus, halata na! ano ba name nun?" tanong niya.

"Hindi ko alam eh" sagot ko.

"W-What? nagka crush ka ng hindi mo alam ang name?!" tanong niya nanaman at napatango nalang ako. "Nako alamin mo sa susunod ah! mahirap yan jusko!" nasakit na ulo kunno na acting niya. pwedeng pwede mag-artista itong Bestfriend ko na 'to eh, sobrang galing sa pag arte!

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon