11

12K 353 417
                                    

--

"Nasaktan ka ba Laine?" sambit kaagad ni Sir Sandro nang makapasok kami ng school. wala na masyadong tao, dahil bukod sa maaga ay bawal ang media rito.

"Hindi po Sir, ayos lang ako. kayo po ba?" tanong ko.

He sighed. "Yeah, I'm fine. let's go?" nakangiti niyang usal tinuturo ang daan at nakangiti akong tumango.

May ibang nakapila na at binabati nila si Sir Sandro, ako naman ay ngumingiti lang sa kanila. bakas sa itsura nila ang pagtataka kung sino ako.

"Secretary ko po, si Laine" pinakilala niya ako sa iilang nakapila.

"Maganda araw po!" nakangiti kong pagbati.

"Ang ganda naman ng sekratarya ninyo Sir!"

"Bagay kayo"

"Yiee! first lady ng congressman waaahh!"

Samu't saring kumento ng mga nandoon, ngunit pilit na tawa nalang ang iginawad ko. masyadong awkward no! kaya't niyaya na ako ni Sir Sandro upang magtungo na sa classroom.

Maliban sa nag-aassist ay kaming dalawa lamang ang nandoon, kaya tinanggal ko ang shades ko at kinausap siya.

"Sir" panimula ko, at bumaling siya sa akin.

"Good Luck po" sambit ko.

"Thank you Laine!" he smiled.

"Let's start?" aniya at tumango ako. inexplain ng mga nag aassist ang gagawin.

I shade the ballot of my desired candidate. unang una si Tito Bong syempre, Ferdinand Romualdez Marcos Jr. at nang sa Congressman naman ay si Ferdinand Alexander Araneta Marcos III.

Mabilis kaming natapos, halos sabay kami ni Sir Sandro. "Sir sure kayong wala nang mali 'to ah?" tanong nung nag-aasssist.

"Nako hindi na yon mauulit Ma'am" natatawang sagot ni Sir at nagtawanan sila. nilagyan na nila ng ink ang daliri namin at lalabas na sana pero.

"Sir picturan po kita wait" dali dali kong kinuha ang Phone ko sa bag at pinicturan siya. he posed na nakataas ang finger na may ink.

"Tayo naman" aniya at tinawag ang isang nag-aassist. "Ma'am pwedeng picturan niyo kami?" usal niya at tumabi ako sa kaniya.

"Akbay!" kantyaw ng isang staff at umakbay si Sir.

"Thank you" sabay naming sambit doon sa sa nagpicture. nagpaalam na kami sa mga staff bago lumabas.

"Wear your sunglasses Laine, baka nahihiya ka sa media eh" usal ni Sir at sinuot ko ang shades. "Send mo sa akin ang pictures natin okay? first picture natin yon" aniya.

"Edi mag picture tayo lagi Sir, para madami na hehe" sambit ko.

"Sure" tugon niya. at nakipag batian sa mga tao roon, matagal bago kami nakalabas dahil hinarang kami ng mga media na mayroong samu't saring tanong. Kasalukuyang iniinterview sila Simon, Tita Liza at Tito Bongbong nang makita namin ito. "Una ka na sa Van" sambit ni Sir at tumango ako. umiwas ako sa media dahil baka akalaing ako ang Gf ni Sir Sandro. well, pangarap ko iyon. pangarap kong malabong matupad.

Nag-chat muna kami ni Allysa at nagulat ako ng pumasok si Simon. "Hey" aniya at tumabi sa akin.

"Ano, musta?" tanong ko.

"There's so many media there, asking for interview with my Dad" tugon niya.

"Hindi ka pa ba nasanay? sabi mo bata palang kayo madami nang media ang nakabantay sa bawat galaw niyo." sambit ko.

"Yeah, but Im kinda nervous. sana walang dayaan na mangyari" aniya.

"In Jesus name, mananalo si Tito. ipagpray mo lang Si, magkakatotoo rin."nakangiti kong usal at ngumiti rin siya sa akin.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon