35

11.8K 365 446
                                    

---

Sandro and I had a lunchdate at the Vikings, its our rest day we should have a Lunch together dahil maghapon akong wala sa tabi niya. matapos naming kumain ay inihatid niya naman ako sa may condo.

"Call me if you need anything, babe..." Sandro dropped me here on the lobby of Allysa's condo.

"Of course, Ingat" he kissed my lips.

"Ingat" aniya, puro pa siya paalala bago umalis.

Today I'm wearing a above the knee robe dress and a pair of Ilocano made one strap sandals na gift ni Mama Meldy sa akin. I just paired it with black sling bag na regalo naman ni Tita Irene.

"Baklaaaaaaaaaaaaaa!" hindi ako makahinga nang yakapin ako ni Allysa ng sobrang higpit. "Yung mga rosas mo buti nalang ay high class at hindi basta basta malanta lanta" bungad niya pagkapasok ko sa unit.

"Mamaya ko nalang daanan bago umuwi" tugon ko. sinipat niya ako mula ulo hanggang paa.

"Wow! donyang donya datingan natin ah? ay wow nakaka L,L bago ang bag at pak! Yves Saint Laurent pa!" aniya.

"Regalo lang 'to ni Tita Irene pati itong sapatos regalo lang din ni Mama Meldy" tugon ko.

"How to be you po Maria Lallaina? ikaw na! sana hole" aniya.

Puro lang siya sana all at pagkukwento ng nangyari sa isang araw niya, oo isang araw lang pero kung makapag kwento siya ay parang isang taon sa sobrang dami niyang magkuwento.

"Tara na, libre kita! its our pamper day sis, kailangan natin mag relax at magpaganda para sa positivity!" aniya at pumalakpak pa. agad kaming nagpunta sa pinaka malapit na mall at unang pinuntahan ang Nail Studio. we're here para magpalinis ng kuko at magpa foot massage.

"Gaga yung mahabang kuko mala wolverine maganda!" sambit niya, nang dedemonyo.

"Mahihirapan ako maghawak" tugon ko.

"Anong hahawakaaannnn?????!!!!!" taka niyang tanong at tinawanan ko siya.

"Baliw, nagbebake ako!" asik ko.

"Ay oo nga pala, ito apaka defensive!" asik niya pabalik. I just decided to have a nail polish nalang instead of Acrylic nails at mahahaba dahil napaka hassle non sa mga ginagawa ko!

Allysa chose the acrylic one para maiba naman daw! "Bakla look!" she showed me her nails. "Pak, iba!" aniya, gandang ganda sa long, orangey at coraley nails niya.

Simpleng kulay lang ang pinili ko beige lang para di ganoon ka halata, ganon lang rin sa paa. nakaka relax ang foot massage nila! talaga namang tanggal lahat ng libag at kalyo mo sa paa.

"Teh gising" kinulbit ko si Allysa dahil nakatulog ito sa gitna ng foot massage. paglabas namin ng Nail Studio ay nagtungo naman kami sa Spa.

"Ah shet" natawa ako ng marinig si Allysa. "Tawa ka dyan? wala akong lovelife eh dito nalang ang practice. palibhasa ikaw eh..." aniya at nilakihan ko siya ng mata natawa nalang rin ang mga nagmamasahe. "Palibhasa maganda ka! oh ayaw pa?" pagbabago niya ng sasabihin at tinawanan ko nalang siya.

Sobrang nakaka relax dito dahil tanggal ang mga lamig ko sa katawan, lalo na't tumatanda na ako. chos! I'm at the silver age, 25?

"Ma'am ang kinis niyo po...ang ganda ng magiging anak niyo for sure" sambit ng masahista.

"Oo nga teh 'no? sabi ko nga dyan mag anak na, 25 na naman tsaka may trabaho na" si Allysa ang naunang sumagot.

"E-Eh...hehe thank you po" tugon ko at sinenyasan si Allysa na huwag madaldal.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon