40

10.4K 341 865
                                    

--

Sa isang taon na ang huling termino ni Sandro. napakarami na niyang nagawang bills at napakarami na niyang natulungan, isa ako sa mga saksi nung mga ginawa niya. sa loob ng dalawang taon naming magkasama ay kilalang kilala ko na siya, sigurado ako sa mga nalalaman ko pero hindi ako sa sigurado sa kaniya.

"I'm going to London, you want to come?" tanong ni Sandro. nagbabago na rin siya. kung dati ay basta basta nalang siya nabili ng ticket for two, ngayon ay tatanungin niya pa ako.

"Uh no, ikaw nalang muna you need to rest" sambit ko. totoo naman, sa sobrang daming trabaho ay nakakalimutan na niya minsan magpahinga. need niya rin maka bonding ang mga kaibigan niya sa London kaya't pumapayag na ako.

"You sure?" tanong niya at tumango ako. "Alright, bukas ang alis ko at sa isang araw din ako babalik" sambit niya.

"Okay, sige mag-iingat ka nalang doon" tugon ko. he kissed my cheek at nagtungo na siya sa walk-in closet. I help him to pack his things at unlike before, eh sobrang tahimik namin.

"A-Are you sure na hindi ka sasama?" tanong niya at tumango ako.

"Yeah, gusto kong maka bonding mo ulit yung mga kaibigan mo doon...ilang araw ka lang naman diba? okay lang" tugon ko.

"Thanks Laine" he kissed my forehead. hindi niya na ako tinatawag na babe, marami talagang nagbago...ano pa bang aasahan ko eh wala namang kami.

Kinabukasan ay hinatid ko lang siya sa airport. oo ako ang naghatid dahil marunong na ako mag drive ng kotse. "Ingat ka doon Sandro, call and message me nalang okay? mag update ka rin" I hug him.

"Thank you, mag-iingat ka din" tugon niya at hinalikan ako sa noo.

I went to Allysa's condo at doon muna nagpalipas, kinwento ko lahat sa kaniya. "Mahirap kasi yung ganiyan, kung umakto kayo eh para kayong mag asawa tapos wala namang kayo" sambit niya. "Hay nako, ako pa tinanong mo sa ganiyan! nahiya naman akong NBSB 'no!" asik niya.

"Wala naninibago lang ako, tsaka...hindi ko alam kung may plano pa siyang tumakbo next year" sambit ko.

"Oo nga, kailan kayo huling nag ano?" tanong ni Ally at napaisip ako.

"Nung Birthday niya" sagot ko.

"Nako napapadalas ang birthday ano ninyo ah? dalawang birthday mo na ang kasama siya at ikalawa niya na rin 'to diba?" tanong niya at tumango ako. "Aba sinasabi ko talaga kapag nabuntis ka tapos walang kayo, tapos hindi ka niya pinanindigan? susunugin ko yan si Sandro, sisilaban ko ng buhay yan--" aniya.

"Baliw! hindi yon mangyayari nagpipills ako" tugon ko.

"Hindi mo rin masasabi, pero malay mo...hindi rin malabong...may iba siyang girl friend...." kwento ni Allysa.

"I saw his badsides, pero...okay naman siya, medyo busy lang talaga siguro ngayon kumpara sa dati kaya nagbabago" tugon ko.

"Siguro nga, pero ikaw...choose what makes you sleep at night, kung anong makakapagpatulog sa'yo ayon ang piliin mo. ingatan mo lang ito" turo niya sa puso ko. "Dahil kapag iyan ay nawasak, nako!" aniya.

"Bakit hindi ko magawang magtanong sa kaniya?" tanong ko kay Allysa.

"Baka natatakot ka sagot?" tugon niya sa akin. "Gaga ka, hindi pa ba sagot yung may nangyayari sa inyo tapos magkasama kayo sa bahay?" tanong niya at umiling ako.

"Gusto kong marinig yung salitang mahal kita mula sa kaniya pero dalawang taon na kaming magkasama wala pa rin" sambit ko.

"Bakla, baka kasi ang akala ni Sandro alam mo na kaya hindi niya sinasab--"

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon