8

11.5K 383 513
                                    

--

"Ingatan mo sarili mo ron ah! huwag kang magkakasakit nako Maria Lallaina sinasabi ko sa'yo susugod ako ron ano mang oras tsaka...kapag may nang-api sa'yo sabihin mo lang ah? babaliin ko buto non!" umiiyak na sambit ni Ally habang naglalakad kami papuntang Elevator.

"Ikaw din, mag-iingat ka dito. kapag nagkasakit ka uuwi ako! kapag may nang-api sa'yo hindi na ko magtatrabaho don!" saad ko pabalik at pumasok na sa elevator. bitbit niya ang isa ko pang maleta at isa ko pang bag.

"Baka nakakalimutan mong ikaw ang sakitin sa ating dalawa? ikaw tong masyadong mabait at hindi marunong magtanim ng sama ng loob? nako teh, sinasabi ko sa'yo!" asik niya habang naiyak pa din. "Papicture ako kay Sir Sandro ah!" aniya at natawa ako. pagbaba namin ay nandoon na nga si Sir Sandro. he's wearing a red dress shirt tucked in, on his black slacks. ang lakas ng dating ng leather shoes at leather belt niya lalo na ng lumapit ito sa amin. Grabe may mga body guards!

"Are you ready to go Laine?" bungad ni Sir Sandro sa akin. "Let me help you" aniya at kinuha ang maleta at bag na dala ko. tinawag niya ang isang body guard upang kuhanin ang dala ni Ally na gamit ko.

"Sir" tawag ni Ally kay Sir Sandro.

"Y-Yes?" Sir Sandro smiled.

"Sir, ingatan mo tong Best friend ko ah! legit mag-alaga yan, nako! kung ako lang ang masusunod eh hindi ko pagtatrabahuhin yan pero no choice eh. hays, Sir basta ah ingatan mo siya kapag may nangyari na kung ano ako agad tawagan mo!" umiiyak na bilin ni Allysa kay Sir Sandro.

"Noted" Sir Sandro smiled for assurance.

"Sir, paborito niyang pagkain Ramen. mas gusto niya ang Electric fan kaysa Aircon, mahilig siya sa kulay pula, ayaw niyang nahihirapan ka ng dahil sa kaniya, ayaw niyang..." humahagulgol na si Allysa kaya nahawa ako. I hugged her.

"Ingat ka Ally, tawagan mo nalang ako okay? ingat, I love you Bestfriend" bulong ko, habang hinahaplos ang likuran niya.

"Ikaw rin ah, yung mga bilin ko sa'yo!" aniya at nagpaalam na, nagpapicture rin siya kay Sir Sandro.

Hindi na ako tumingin sa likuran dahil ayokong makita na naiyak si Allysa. ang mga bagahe ko ay nilagay sa van sa unang sasakyan, sa kulay itim na sasakyan naman kami sumakay ni Sir Sandro at driver niya. sa likuran kami nakaupo at patuloy pa rin akong naiyak.

"Laine, stop crying...everything's going to be fine" usal ni Sir at inabot sa akin ng panyo niya. nakakahiya! wala pala akong dalang panyo.

"S-Sorry sir, mula ho kasi magka muwang ako siya na yung kasama ko eh...ang hirap lang na...n-na malayo sa kaniya pero kailangan Sir...kailangan naming masanay" sambit ko at inakbayan ako ni Sir Sandro inaalo ako.

"Shush, stop crying. can I hug you?" he asked at ako na ang kusang yumakap. nakatingin ang Driver ni Sir Sandro sa amin pero wala siyang pakealam don. at walang ano ano'y nakatulog ako.

"Laine, malapit na tayo" bulong ni Sir Sandro, niyuyugyog ako. nakayakap pa rin pala ako sa kaniya.

"Luh, ilang oras ang biyahe Sir?"tanong ko.

"We used airplaine" sagot niya at nag-ayos na ako. suklay lang at punas luha okay na! "Im sure you're hungry" aniya at may tinawagan sa phone niya. "Yes, yes, we're in Laoag na. Okay, okay bye" aniya at ibinaba ang tawag. "Its our chef, malapit na tayo sa bahay namin" usal niya at tahimik kaming bumyahe.

"We're here" usal ni Sir Sandro at kinabahan ako! ang laki ng bahay nila! simple lang pero ang laki talaga. ang ganda pa ng view dahil tabing dagat. pinagbuksan kami ng driver niya at nauna siyang bumaba upang alalayan ako. inutusan niya rin ang ilan niyang body guards na ilagay ang gamit ko sa magiging kwarto ko.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon