37

10K 298 390
                                    

--

November makes me lazy...the cold breeze of incoming December and the feeling of spending the Christmas with someone you love. today, we're on our way sa tiangge para bumili ng pang disenyo sa bahay.

"Ako nang bahala, huwag ka nang gumastos" sambit ko kay Sandro.

"Are you sure?" tanong niya at tumango ako.

"Oo, bilang thank you man lang" tugon ko.

I'm wearing a hoodie and shades habang si Sandro ay Shirt at Pants lang, naka shades din siya at hindi ko akalain na pagbaba namin ay sasalubungin agad kami ng mga media. samu't saring mga tanong ang bumungad kay Sandro.

"Nandito rin ba kayo upang mamili ng mga pang dekorasyon sa pasko?"

"Bakit hindi kayo sa mall bumili?"

"Sino ang kasama mo? mag isa ka lang ba?"

"Sino yang kasama mong babae?"

"Girlfriend mo ba yan Congressman Marcos?"

"Asawa mo ba yan? siya ba yung non-showbiz mo na partner?"

"Anong masasabi niyo sa tiangge?"

Isa isang sinagot ni Sandro ang mga tanong, at hinuli ang sagot sa tanong ukol sa kung sino ako. kasalukuyang lang akong nakangiti at medyo iniiwas ang itsura sa camera, nasa likuran ako ni Sandro at katabi ko si Kuya Driver.

"I'm with my driver and secretary, sinamahan nila akong mamili dito. and hindi siya ang partner, girlfriend, o asawa ko dahil wala ako non..." sagot ni Sandro. marami pang itinanong sa kaniya kaugnay sa mga batas. maya maya ay may mga dumating nang body guards upang escortan kami dito.

Buti nalang at bawal pumasok ang sandamakmak na media sa loob ng tiangge dahilan upang makapamili kami ng maayos. "Which one do you prefer? itong white o iyong green?" tanong ko kay Sandro. pinapapili kung anong tree ang bagay sa bahay.

"I still want the classic so, green" aniya. pinili ko iyon pinakamalaki dahil malaki ang bahay na iyon. may kamahalan pero ayos na rin. sunod naman kaming nagtungo sa mga iba pang palamuti sa Christmas tree, gaya ng christmas balls, garland, mga nakasabit, star at kung ano ano pa.

Gusto kong maganda ang unang pasko namin ni Sandro na magkasama kaya naglaan ako ng budget para rito. bawing bawi naman iyon ng kita ko sa pagbebake at pagtinda ng ulam.

Nang matapos sa palamuti sa Christmas tree ay sa bilihan ng christmas lights naman kami pumunta.christmas lights for the tree, sa labas sa taas at sa veranda lang ang binili namin.

Huli kaming nagtungo sa bilihan ng mga parol, bumili ako ng ilang pares upang isabit sa labas. bumili rin ako ng nailaw na Parol, pars magandang tignan sa may veranda. nang makauwi kami ay sinet up kaagad namin ni Sandro ang mga disenyo kagaya nalang ng christmas tree.

"Mas maganda yan dun sa gilid" sambit ko nang ilagay niya sa pinakababa ang disenyo. gumamit ako ng hagdan upang ilagay ang star sa tuktok ng Christmas tree at hinahawakan ni Sandro yon. "I'm bad at balancing" sambit ko.

"Careful Laine" si Sandro. dahil sa pagod ay medyo nawawalan ako ng balanse, not until nailagay ko na ang star at nadulas ako.

"Gag--"

"Gotcha" buti nalang at nandito si Sandro! "I told you to be careful" aniya. pinaayos nalang namin sa mga guard yung christmas light sa labas at sa veranda. at heto! ang ganda na!

"Ang ganda" humahangang sambit ko nang tignan mula sa labas ng itsura ng bahay nila. I took a picture of it at sinend sa GC namin, sabi ni Tita Liza na dito daw sila ni Tito Bong magpapasko at syempre payag na payag ako doon. gusto rin nila
na isama ko si Allysa pero sa U.S.A iyon nagpapasko.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon